CHAPTER 27

4.1K 42 4
                                    

"Mommy! Mommy!" 



"Wake up mommy!" 


"Good morning… Good morning…" nagising ako sa pag kanta niya at paghalik sakin. Nginitian ko siya.



"Good morning pogi…" 


"Mommy kanina pa po maingay ang phone niyo po." Naiinis na sambit niya sakin at inabot ang cellphone. Tinignan ko kung Sino ang tumatawag. Si mama pala.


"Ma," bati ko sa kabilang linya.



"Is that Lola mama?" Sabi ni Jasper. Tumango ako bilang sagot.



"Anak paakyat na kami sa room mo. Nakabihis na ba ang apo ko?" Tanong niya. 


"Kakagising lang namin mama. Sige ma katok nalang kayo, bihisan ko na si Jasper." Mabilis kong binaba ang tawag. 



"Baby, bihis na tayo papunta na si Lola mama."



"Why mommy? Kasama ka po?" Tanong noya.


"May lakad ako anak. " Kakausapin ko ang  ama mo. 


"Hindi po ba pwede sumama si Jasper?" Tanong niya. Gusto kong kasama ka anak, pero ayokong masaktan ka.




"No kids allowed eh," natatawa na dahilan ko. 



Niligo ko si Jasper, pinag suot ko ito ng puting sando at ang brown pants niya, pinag crocs ko nalang din siya. Damn, ang gwapo ng anak ko. Sakto naman ay kumatok na sila mama. Iniwan ko si Jasper na nanonood sa sala para pag buksan iyon. 




"Ma-" Naputol ang sasabihin ko ng Makita ko si Ezekiel. Tinignan ko ang likuran niya at doon ko nakita si mama.



"Anak," 



"Pasok kayo," pati si Ezekiel ay pinapasok ko na.


"Apo!" Sigaw ni mama para kunin ang atensyon ni Jasper na nanonood 



"Lola mama!" Sigaw ni Jasper at sinalubong ang Lola niyakap niya ito pero nalipat ang tingin niya sa lalaking nakatayo lang sa likuran ko.




"Kuya sir? Bakit po kayo nandito?" Tanong ni Jasper, tinignan ko ang likuran ko para makita ang reaksyon ni Ezekiel. Wala  man lang itong reaksyon.



"Apo, let's go to a mall? Nasabi ni mommy mo nag enjoy ka raw kahapon!" Pag aagaw ng atensyon ni mama.



"Pero Lola mama, ayaw ko na po doon." Napasinghap si mama sa sagot ni Jasper maski ako ay napatigil. 




"Edi punta nalang tayo kay lolo daddy! Gusto mo bisitahin ang office niya diba? You told me that!" Pagkukumbinsi si mama.




"Really pwede po?" 




"Of course!"



"Yehey! Mommy! Pupunta po ako kay lolo daddy!" Tumango ako.




"Let's go na," Sabi ni mama. Humawak na si Jasper kay mama at tumingin sakin.



"Bye mommy! Take care ka po, love you big!" Bumaba ako at pinagpapatakan ako ni ng halik.



"Una na kami anak, Kiel ikaw na bahala sa anak ko," bilin ni mama.



"Opo mama. Ingat po kayo ng anak ko." Sabi nito at nginitian si Jasper pero hindi siya pinansin ni Jasper.



Chasing your loveWhere stories live. Discover now