CHAPTER 32

4.3K 48 5
                                    

"Anak, tama si Kiel. Alam ko nasaktan ka niya, pero wag mo naman pagkaitan ang apo ko.  Tuwing magkasama kami ni Jasper, palagi niya tinatanong noon Kung nasaan ang daddy niya hindi ko masagot dahil alam ko Wala ako sa posisyon na iyon para sagutin. Tapos anak, noong nalaman ni Jasper ang tungkol sa daddy niya, sobrang saya ng apo ko." Sambit ni mama nasa mansion kami ngayon.




"Nagkwento ulit yang si Jasper. Ang Sabi niya meron nga siyang mommy at daddy pero hindi naman magkasama at masaya gaya daw namin ng tatay mo," pagpapatuloy niya.




"Alam mo ba Samantha, gustong gusto kita pagsabihan pero hindi ko hawak ang desisyon mo. Gusto ko sabihin sayo na kahit nasaktan ka ni Kiel noon wag mong idamay ang apo ko." Sambit niya. 





"Hindi ko naman po pinagdadamot si Jasper sakaniya ma. Hindi ko lang talaga siya kayang harapin, kahit kasama namin si Jasper." Sabi ko.





"Kinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan anak." Napatingin ako kay mama.




"Magpatawad at magmahal ka ulit. Wala namang masama kung magpapatawad ka anak, hindi naman porke magpapatawad ka ay dahil nakalimutan mo na ang ginawa sayo, kundi ay dahil gusto mo na matahimik ang gumugulo sayo. Mag mahal ka ulit, sumugal ka ulit, hindi ba parte iyon ng pagmamahal? Alam ko puno kana ng pagmamahal mula sa amin ng ama mo at kay Jasper, pero may kulang pa rin, hindi ba?  Ang kulang na tanging ikaw lang ang makakasagot kung ano ang kulang na iyon," pagpapatuloy niya.





"Bilang ina mo. Hindi mo ako maloloko na, alam ko mahal na mahal mo parin siya." Nakangiting sambit ni mama. 





"Mama…" mahinahon kong sambit.





"For years is enough to cage yourself in the past. Never feel guilty for starting again, anak." 





"Mama…" niyakap ako ni mama.




Is it time for me to free myself from the past? Am I ready to fall in love again? To love him again? Tama si mama. 






Sa mansion na kami pinakain ni mama para sa gabihan. Habang nasa byahe ay nagkukwento si Jasper.



"Kailan po tayo makukumpleto mommy?" Tanong ng anak ko.



"Anong kumpleto anak?" Naguguluhan kong tanong.




"Like yung pwede na po mag sleep si daddy sa condo po. Like Lola mama and Lolo daddy. Yung kahit po may work sila uuwi pa rin po sila sa mansion. Magkakasama po sila. Family mommy,"




Masakit marinig ito, Ito na ba ang sinasabi ni Jayden? 




"We're family po ba mommy?"




"What? Why do you need to ask that baby?"  



"Kasi po, diba po pag family magkasama po sa isang house. Bakit po kayo ni daddy hindi po magkasama sa isang house? Mommy nag li-lie po ba si daddy? Kasi po sabi niya love ka daw po niya pero bakit po para po kayong cats and dogs pag magkasama mommy? I always saw it po. Galit ka po kay daddy, because he is the reason of your cries everynight po? Kaya po ba hindi kayo pwede magkasama sa isang house po?" Sunod sunod na tanong niya.





Tama si Jayden. Iba ang sakit pag sa anak mo na mismo galing.




"How-" 




"Did daddy hurt you before, mommy?" Sambit niya ulit.






"Hindi nag sisinungaling si daddy mo sayo anak. May mga bagay lang na hindi mo pa maiintindihan sa ngayon dahil bata ka pa. Baby, kahit gusto ko sabihin sayo alam ko hindi mo pa maiintindihan sa ngayon. Peero promise ko sayo, mag uusap kami ni daddy mo. "






Chasing your loveWhere stories live. Discover now