CHAPTER 17

3.7K 43 0
                                    

Nagising ako dahil sa pag halik halik sa akin. Kung ganito lang naman ang makikita ko kada umaga ay ang sarap palang magising. 

"Good morning," his morning voice makes my knee weak.

"Morning," bati ko pabalik pero Hindi niya pa ako tinitigilan sa paghalik sa buong mukha ko.

"Hey hindi pa ako naghihilamos!" Sabi ko sakaniya kaya tumigil siya at hinalikan ako ulit.

"I don't care. This is my dream, waking up every morning with love of my life beside me. Pangarap kong magising sa halik ko ang babaeng mahal na mahal ko every morning." Tinignan ko siya at hinalikan ako sa labi.

"Okay, that's the last kiss. Let's go, kain na tayo." Sabi niya sabay tayo na tumayo na rin ako at sinundan siya. Pagkababa namin ay nandoon na si mama and daddy handa ng mag almusal. 

"Good morning ma," bati ko kay mama ng malapit ako sa kanya. Sumunod naman si Ezekiel binati rin niya si mama. 

"Oh tita! Am I dreaming? Can you slap me po? I can't believe I'm in front of the Goddess..." Pagbobola niya kay mama. Natawa naman si mama.

"Oh common! It's your one and only mama soon, Kiel! Ang aga mong nambobola!" Sabi naman ni mama sabay tapik sa braso ni Ezekiel.

"Good morning Daddy," Sabi ko naman kay daddy.

"Good morning pa," bati ni Ezekiel.

Pa? As in Papa?

"Oh Kiel, matagal ko nang hinihintay na tawagin mo ako ng ganyan. Finally hindi na Mr. Mandi o Sir ang tawag mo sakin," sabi naman ni daddy.

Oh my ghost pinagkakaisahan talaga ako ng pamilya ko!

"Umupo na kayo, let's eat." 

Umupo na kami at nagsimula nang kumain. Ang Sabi ni mama siya raw ang nagluto. Himala iyon. This is my first time seeing how mama and daddy happy state. I never saw them laughing while we're eating. I never saw daddy telling jokes like mama. May parte sa puso na masaya, pero may parte rin na malungkot dahil baka ganyan sila dahil may bisita kami. Napansin ata iyon ni Ezekiel kaya hinawakan niya ang hita ko at pinisil iyon ng kaunti tapos ay ngumiti. Nginitian ko siya para hindi siya magtaka.

Nang matapos na kami sa pagkain ay nagsimula ng umalis si daddy. May aasikasuhin na importante. Si mama naman ay aalis pupunta sa mga amiga niya.  Bandang huli kami ni Ezekiel ang naiwan sa bahay na sobrang laki. At sa sobrang laki, ang tahimik. Nasa veranda ako ngayon dala ko ang kape at laptop ko. Upcoming 3rd year na ako after finals. Malapit ko na maabot ang pangarap ko. 

Nagtataka ako sa mga actions ng magulang ko ngayon. Dati ayaw na ayaw nila sa program na kinuha ko, but now hinahayaan na nila ako. Hindi na sila nagtatanong kung anong mga marka ang mga nakukuha ko. Mataas pa rin ang mga grades ko. Naging lesson sakin ang pinagsasabi at mga nangyari noon. 

"Hey," napatingin ako sa lalaking nasa harapan kona ngayon, hindi ko siya napansin.

"Kanina pa ako dito, ang lalim ng iniisip mo ha, care to share baby?" He said. Pinatay ko ang laptop ko at tinuon ang atensyon sa kaniya.

"I don't know Zekie. Naninibago ako sa kinikilos ng magulang ko. Hindi naman sila ganon dati, Lalo na si daddy. Hindi siya ganun pag nandyan si Ares." Sabi ko sabay iniwas ang tingin.

"Oh, I knew it. Kaya pala tahimik ka." Sabi niya.

"Do you want me to clear it for you? I mean, do you want to hear my explanation?" Tanong niya. 

"Gusto ko." 

"Okay. But after this I want to ask you something," sabi niya.

"Samantha Gomez Mandi. Born on November 23, she's now 21 years fine lady. A upcoming 3rd year flight attendant student at University of Santo Tomas, Manila. A academic achiever. The daughter of Mr. and Mrs. Mandi." Pagsisimula niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil don. 

"Unahin ko kay Mrs. Mandi. Your mama and I we're close. Dahil nakita ko siya noon sa isang convenience store walang payong ang lakas ng ulan. May hinahanap siya noon pero hindi niya makita nababasa na ang mama mo noon inuubo na. Pauwi ako noon from  OJT. "

"Nilapitan ko siya at pinayungan. Ang sabi ko sa kaniya ay  'Saan po kayo pupunta? May hinahanap po ba kayo? Ang kotseng pula po ba?' ngumiti ito at hinawakan ang kamay kong naka hawak sa payong 'oo nakita mo ba na umalis? ang asawa ko iyon, galit nanaman sa anak namin' sabi niya. Sinamahan ko siya hanggang makarating kami sa bahay niyo. Dito. Pamilyar sa akin ang lugar na iyon sa mga oras na yon dahil nabanggit sakin ni Ares noon, nung hindi pa ako pumayag sa gusto niya. Nagulat ako noon na siya pala ang nanay mo." Sabi 

"Sumunod naman ang daddy mo. Naka motor ako noon pauwi na sa bahay ko. Nakita ko lalaking naka park sa gilid ng daan binuksan Ang hood ng BMW Series 7 na sasakyan mukhang nasiraan si papa noon. Tumigil ako at pinuntahan siya. Noong una ay akala niya magnanakaw ako pero ng makita niya Ang school ID ko ay nakampante siya. Inayos ko ang sasakyan niya madali lang naman iyon at may tools naman akong dala. Kinuha ni papa ang pangalan ko kaya binigay ko. Ganon rin ang sa mama mo." Pagpapatuloy niya.

"Nagkita muli kami ni papa mo pero kasama ko si Ares ng mga oras na iyon. Si Ares ay binati si Tito ako ay tahimik lang sa likod ni Ares dahil baka mamaya hindi na ako maalala pero mali ako. Tinawag niya akong 'kiel' ako ang kinausap niya at hindi si Ares. Mabait ang tatay mo. Nagsumbong nga siya sakin na ayaw niya raw kay Ares dahil hindi kayang panindigan. Natawa nga ako dahil ganun na ganun si Ares." Natatawang sabi niya. Tinignan ko siya at nagpatuloy sa pag kwento.

"Nakilala kita dahil palagi kong kasama sila Zack tuwing may gig sa University niyo. Nakikita kita palagi. Nanonood ka. Atska sino ba naman kasing hindi nakakakilala sayo ikaw lang ang babaeng nasa top achiever sa department niyo. Kahit malayo pa ang school ko every uwian mo ay inaabangan kita sa labas ng main gate. Kasama mo palagi si Ellie. Hanggang sa nalaman ko anak ka pala ng mag asawang tinulungan ko." Sabi niya sabay haplos sa kamay ko sa mesa.

"I've been in a wealthy family. Anak ako ng mayaman but I didn't use that rich to be a grown man. Hindi ko ginagamit ang yaman na iyon para sa mga kagaguhan lang. I used them in purpose. Del Carmen and Grayson family are partnership in a business. Kaya naging magkaibigan kami ni Ares. He's been a good kid. A happy kiddo. Pero noong bumabagsak Ang isang kumpanya ni Tito at si Ares ang gusto niyang sumalo rito nawala ang masayahing Ares na nakilala ko. He became ruthless. Then Ares offered me a favor for the first time. Kahit Mahal na Mahal kita. Sinakripisyo ko iyon para kay Ares."

"But then, Everytime na nakikita kita nahuhulog ako paulit ulit. Sa tuwing tumatawa ka, tumitigil mundo ko. Everytime your mad, I found it cute and fuck! Nahuhulog ako lalo." Nahihiyang sabi niya.

"Then worst day came to your life. Nagpakita ako sa magulang mo. Hinayaan nila akong bantayan ka kahit sa malayo. Si Tito ang unang nakahalata na Mahal na Mahal kita. He said Sam, "Make her yours. Kunin mo ang anak ko, alam kong mahal na mahal mo yan kaya nag sakripisyo ka para sa kaibigan at hindi mo iniisip ang sarili mo kiel." doon ako natauhan Samantha. Kaya naglakas ako ng loob para mabawi ka. Dahil simula una palang naman talaga ay akin ka." He said.

"That night we made love. I badly want to stop my self but I can't. You affect me so much. So, so much.  Pinangako ko sa sarili ko na babawiin kita. Magiging akin ka ulit. Maging akin kalang. Walang sino man pwedeng kumuha ng pagmamay-ari ko. Magkamatayan muna kami bago mangyari iyon." I hugged him. Damn! This man is so precious. 

"I love you," he whispered. 

"Let me court you baby, " Sabi niya ulit. Tinignan ko siya namumugtong na ang mata niya. 

"Of course, I'm traditional man even I let myself touched you that day. I want to court you." Seryosong sabi niya. 

"Fuck baby, I love so much." Sabi niya sabay punas ng luha ko gamit ang daliri niya. 

"Let me prove myself that I am fucking serious. " He said.  Tinanguan ko siya at niyakap niya akong mahigpit. 

"Thank you baby," Sabi nito sabay hinalikan ang pisngi ko.

After hearing his all reasons. Hinayaan ko ang sarili kong maniwala sakniya. Susugal muna ako dito. Edi kapag nasaktan, nasaktan pero mukhang malabong saktan ako ni Kiel. Mahal na Mahal ako nito eh. Hindi niya Alam. Mahal na mahal ko na rin siya










NOTE: MAYBE MAY MGA ERRORS PO. GRAMMATICAL ERRORS.PERO ONCE NA NA APPROVE PO ITO DITO SA WATTY. I'LL PROVIDE REVISED ONE. THANK YOU SO MUCH FOR YOUR SUPPORT EVERYONE. NO WORDS CAN EXPLAIN HOW HAPPY I AM

Chasing your loveWhere stories live. Discover now