CHAPTER 1

7.1K 59 0
                                    

"Bakit tayo nandito ellie? Ang sabi mo may family dinner kayo at hinahanap lang ako ni tita diba?" Tanong ko ng bumaba kami sa sasakyan niya at tumambad sa harapan ko ang pinakasikat na bar. Nilibot ko ang paningin ko at tumambad sakin ang mga mamahaling sasakyan at mga taong mukhang mayaman.

"Oo nga may family dinner kami pero tapos na. Na bored kasi ako kanina sa dinner gusto ko magpakalasing ngayon. Atska wala ka nang magagawa nandito na tayo oh," sagot ni ellie sa tanong ko.

"Gago ka, " Ang tanging sagot ko sakaniya. Nakita kong nakonsensya siya kaya nagsalita ito.


"Sorry na okay? Yun lang kasi naisip kong paraan para sumama ka sa akin eh,"


"Sumasama naman ako pag trip mong mag bar ha? ang naiinis lang ako sana hindi ka nalang nag sinungaling. Ang ingay ingay kasi dito ellie, finals pa natin  bukas!" Inis kong reklamo kay elli best friend ko.


"Bukas pa naman yon, Atska anong sumasama? naging busy ka kaya lately nakakatampo" Malungkot na sagot naman nito, na konsensya naman ako kaya niyakap ko ito.


"Tara na, enjoyin na lang natin. Nandito narin naman tayo sabi mo nga diba" hinila ko nalang siya papasok sa bar.


Sobrang ingay sa loob ng bar. Kahit saan ko lumingon may mga ginagawang kalaswaan. Iniwan ako dito ni ellie mag order siya ng iinumin namin. Hindi naman talaga ako umiinom dahil ayoko ang lasa nito, pero minsan nakakatulong rin pala lalo na pag may problema ka.


Nakita kong papalapit na sa table namin si Ellie kaya tumigil na ako mag phone. Nakakairita rin ang suot ko nasobrahan sa ikli kaya hila ako ng hila. I am wearing white withsleeves bodycon dress above the knee and sneakers. 


"Buti bumalik ka pa?" Biro ko kay Ellie ng makaupo na sa harapan ko.

"Aba syempre inom muna ako bago ako lumandi, I mean iinom muna tayo, " sagot nito at nginitian ako.


"Ikaw lang iinom, may exam pa bukas Ellie Ayaw ko bumagsak."


"Dahil na naman ba kila tita? Nako Samantha Gomez Mandi…. Tama nga na dinala kita dito. Mayroon kang hindi sinasabi eh.." Nginitian ko ito kasabay nang dating ng orders ni Eli.


Hindi naman talaga ako iinom pero natutukso akong uminom. Nagka-alitan pa naman kami ni mama kanina. Ayaw na ayaw ng parents ko na meron akong dos sa card ko. Nasanay silang consistent honor student ako since elementary, high school at senior high. Nahihirapan ako lalo na ng tumuntong akong college, hindi naman kasi biro ang mga tinuturo sa college. 


First year college palang nakilala ko na si ellie, ang best friend ko. Nung second year ako nag ka 1.5 sa report card, pinalayas nila ako, kadiri raw ang grades ko. Wala raw silang anak na bobo. Pinalayas nila ako noon at umupa na lang ako ng condo malapit sa school, tinulungan ako ni Ellie. 


Binawi ko naman ang 1.5 ko kaya pinauwi na nila ako sa bahay noon. Simula nung nangyari sakin yon nag focus ako sa pag-aaral, gaya nga nang sabi ni ellie kanina, naging busy ako lately at dahil yon sa pag-aaral ko. 



"Kalmahan mo lang sam, Wala ka pa ngang kinu kwento lasing kana." biro sakin ni Ellie ng tunggain ko ang pang anim kong shot.



"Gaga, wala naman akong ku kwento eh," pag palusot ko sabay punas sa luha ko. 


"Sige… inom ka lang, alam ko sam, kahit hindi mo sabihin…" Sabi nito sabay punas sa luha ko.


"Thank you, Ellie. Hindi ko alam kung nasan ako ngayon kung wala ka simula palang.." niyakap ko ito. Huminga ako ng malalim at umalis sa pagka kayakap.


Chasing your loveWhere stories live. Discover now