CHAPTER 33

4.3K 51 1
                                    

"Flowers for my love" Sambit ni Ezekiel ng makasakay na kami ng kotse niya. Ihahatid nila ako ngayon sa Airline. I'm wearing my uniform. 


"Thank you," sambit ko at inamoy iyon. Tinignan ko si Jasper sa likuran mukang nagtataka.



"Daddy?" Tawag ni Jasper sa ama.



"Yes, baby?" Sagot naman nito habang nagmamaneho.



"Hindi na po kayo magka away ni mommy?" Tanong niya. 



"No baby, your mommy and I are okay, baby. Why did you ask?" Tanong naman ni Ezekiel.  Nakikinig lang ako sa kanila.



"Hindi ka po nag li-lie daddy?" 


"No baby,"  sumimangot si Jasper.


"Is that true mommy?" Tanong naman nito sakin. Hindi niya sinagot ang ama niya, si Ezekiel naman ay may pagka kuryoso ang mga tingin sa amin. 


"I told you baby, mag uusap kami ni daddy mo." Malambing kong sabi.


"Really mommy? Thank you Mommy! Jasper is so happy!" Nakangiting sambit nito. Natawa ako dahil sa reaksyon niya. Tinignan ko si Ezekiel na ngayon ay nagdududa parin sa tingin.


"Daddy can I sit in front? I want to hug mommy," Tanong nito sa ama niya may halong kaba ang tinig. Kunot ang noo ng ama nya, don't tell me hindi niya papayagan si Jasper?  Nagseselos na naman ba siya? magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.



"Of course baby, unbuckle your seatbelt carefully," Sambit ko rito. Tinignan ako ni Ezekiel. 


"What?" 


"Sam…" parang may kung anong kahulugan ang pagtawag niya sa pangalan ko pero isinantabi ko iyon.


"Slowdown kukunin ko anak mo," Nakangisi kong saad. Narinig ko pa ang mahinang mura niya.


Sinalubong ko si Jasper na pahakbang palapit sa akin. Naramdaman ko rin ang pag angat ng skirt ng uniform ko hindi ko na iyon pinansin at kinuha na si Jasper at pinaupo sa hita ko.


"Thank you Mommy," sabit nito at niyakap ang braso ko. 


"For Jasper, it's always welcome baby," niyakap ko rin siya. Napatingin sa amin ang ama niya. Humiwalay si Jasper at tinignan ako mula sa likuran niya. 


"I want pasalubong mamaya mommy," 


"What pasalubong?" Tanong ko, napatingin sa sa harapan kung saan kita niya ang kalsada at napaisip.


"Doughnuts mommy, strawberry flavor." Hinarapan niya ako.


"What's the password first?" Tanong ko, binaba ko ang mukha ko at pinagpapatakan ako ng halik ni Jasper kaya natatawa ako. Natigil lang kami ng magsalita si Ezekiel.


"Son," tawag niya sa anak niya.


"Daddy?" Curious na tanong ni Jasper.


"I told you. You're a big boy already, one cheek kiss is enough."  Pagleksyon niya sa anak niya.


"I know daddy, but mommy asked for the password po eh." Natawa ako sa sinabi ni Jasper kaya ganun na lang kabilis nairita ang mukha ni Ezekiel.


"Balik kana sa likod baby, baka may police tayong makasalubong mahuli tayo, right daddy? So, slow down and let Jasper get back,"  Sabi ko at tinignan si Ezekiel. Binagalan niya ang takbo. That's true, baka ma checkpoint kami. Nakita ko naman takot sa mukha ni Jasper.



Chasing your loveWhere stories live. Discover now