CHAPTER 40

4.6K 39 2
                                    


Ilang linggo na matapos ng nakauwi kami galing Island. Si Ellie ay sobrang saya noong sinabi ko sa kanya ang nangyari. Si mama and daddy naman ay sobrang saya rin ngunit may tampo dahil hindi sila kasama. Si Jasper ang pinaka masaya sa lahat dahil meron na siyang family. I'm very happy because of their reactions. I'm happy because I'm marrying the man I love the most.  Kauwi namin sa Manila si Ezekiel ay agad niya inasikaso ang mga documents ni Jasper na ilipat sa Grayson. Nitong nakaraang linggo rin ay naging abala sa kumpanya niya. Ang trabaho ko naman ay dumoble pero kaya ko naman. 




Ngayon ay day off ko. Papunta na kami ni Jasper sa school na papasukan niya. Ie-enroll ko na siya sa isang private nursery, gusto pa sumama ni Ezekiel pero pinigilan ko na dahil sobrang busy niya talaga.  





"Why are you scared?" Tanong ko kay Jasper habang kumakain ng ice cream sa kotse ko.



"Hindi po mommy. Excited po ako!" Sambit niya.




"Excited?" Patanong kong saad.





"Opo! Kasi po makapag make na ako ng friends! May mga magiging playmates na po ako…" Ang kaninang masaya na tono ay biglang lumungkot.





"Bakit naman malungkot ka na ngayon?" Tanong ko dahil nagtaka ako.






"Ayaw nyo pa po kasi akong bigyan ng little sister mommy. Edi sana po siya na lang playmates ko." Oh hell, ito na naman!





"You really want a little sister?" Malambing kong tanong.






"Yes mommy. Gusto ko na po kasi ng kalaro…si Lolo at Lola po kasi minsan pagod agad. Promise I will protect her po! I want to brush her hair po! Take care of her, sabay po kami papasok sa school." Pagpapaliwanag niya. 







"Baby, hindi naman kasi madali bigyan ka ng little sister," Sabi ko. 






"Why mommy?" Oh hell! Paano ko e-explain sa 4 years old to?!





"But promise soon, magiging kuya ka na," Sabi ko. 





"Okay po mommy!" Masayang sambit nito. 




Ano ba yan?! Sila mama gusto na ng apo! Pati ang parents ni Ezekiel, lagi akong hinahanapan ng apo! Matagal na bago ako nakaranas ng ganoon! Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. 





Nang makarating sa school ay naging mabilis lang ang proseso ng mga papel ni Jasper, as usual, kilala ang mga Grayson. Kauwi ay dumaretso kami sa condo. Si Jasper ay inaantok kaya natulog muna. Si mama ay tumawag kaya sinagot ko.





"Hello ma? Bakit ka po napatawag?" Tanong ko ng masagot ko.




"Anak kasi…." Nag aalangan niyang sambit.




"Ano po ang nangyari mama?" Nag aalala kong tanong. 





"Anak, pumunta kayo mamaya sa Mall ni Jasper." Sambit niya. 




Huh? Mall anong gagawin namin doon?





"Bakit po mama? May i papabili ka po ba?" Tanong ko.





"4 in the afternoon magkita na lang tayo sa mall ng asawa mo dito sa makati," sambit ni mama at binaba na ang tawag. 





Anong meron? May gusto ba si mama? 





Naligo na ako at ilang oras akong nagbabad doon. Lumabas na ako at nag aayos sa salamin napatingin ako sa singsing na suot ko ngayon. Wala akong nagawa kung hindi mapangiti. I can't believe sa lahat ng nangyari sa amin ni Ezekiel, sa pamilya niya kami parin para sa isa't isa. Nang matapos ay tumabi ako sa anak ko at natulog. Nagising na lang ako dahil kay Jasper.





Chasing your loveWhere stories live. Discover now