CHAPTER 14

3.4K 41 0
                                    

Inatupag ko nalang ang free time ko para linisin ang condo ko. Nag text si Ares ang sabi niya at wag ko na raw siya ipag luto kakain nalang kami sa labas. Kaya pag sapit ng 7PM ay naligo na ako.

Ilang oras rin ang tagal ko roon. Tinignan ko ang sarili ko nakasuot ako ng white tube at skinny denim pants at ang 2inch white chanel sandals ko. Naglagay rin ako ng minimal make up para hindi ako mukhang sabog. Nag text si Ares na nasa baba na raw siya kaya nag lock na ako.

Nakita ko siyang naka sandal sa Mercedes Bens niyang sasakyan. Ngumiti ito ng masulyapan na ako.

"Let's go miss?" Seryosong sabi nito. Hinampas ko ang braso niyang pinagbukasan pa ako ng pinto.

Wala masyadong traffic kaya agad kaming naka dating sa fancy restaurant. Wala rin namang kahirap hirap dahil nag pa reserve pala itong Ares na ito kaya agad kaming inasikaso.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya ng makaupo na kami.

"Gusto ko carbonara!" Masayang sabi ko.

"Wow mag cacarbs ka? Pwede pwede?" Pang aasar na sabi nito.

"Pwedeng pwede..." Inirapan ko siya dahilan ng pag katawa niya.

"Oo na, mag order na ako" sabi nito at pinat ang ulo ko. Tinawag na rin niya ang babaeng naghihintay kanina pa.

Habang hinihintay namin ang mga pagkain ay nag kwentuhan kami ni Ares.

"Alam mo ba, kauwi ko galing sayo kaninang morning nasa condo ko si Ezekiel" sabi ko sakniya.

"Nasa condo mo? You mean nasa loob ng condo mo?" Kunot noo niyang tanong. Shet oo nga pala! Hindi niya Alam na may spare card si Ezekiel!

"Buti nandon siya?" Tanong niya ulit.

"Hinintay niya pala ako kagabi. Hinanap niya din ako kay daddy. Ang funny no? Hinanap niya 'ko kay daddy eh hindi naman sila kailan man nag meet..." Natatawang sabi ko.

"They are close Sam.." Sabi ni Ares kaya lumaki ang mata ko.

"Mukha nga... Ikaw nga hindi mo makausap si daddy tapos siya close sila hahaha.." hinawakan ni Ares ang kamay ko.

"Iyon ang wala ako Sam. Si Kiel, lahat ng bagay kahit nga tao na pwede niyang makuha dahil sa sobrang bait nito. Si daddy mo hindi ko naka usap kahit kailan diba? Pero siya isang text or call lang nandyan agad si Tito. Iyan ang wala ako Sam. Lakas ng loob para kausapin ang tatay mo..." Seryoso niyang sabi.

"Hey boto naman sayo si mommy eh"

"Si tita? Boto iyon dahil kay mama.."

"Ayaw rin ako ni tita Sam... Pero dahil kay mama natutuo siyang tanggapin ako. Ayaw ako ng tita para sayo dahil ang imature ko for you..."

"Kaya sinikap kong mag tapos para sayo Sam pero...pero hindi na ako ang gusto mo. At alam ko iyon." Pagpapatuloy niya. Napaiwas ako ng tingin at pinunasan ang luha ko.

Totoo iyon. Ayaw siya ni daddy. Ginusto siya ni mommy dahil kay tita. Deserve ko ba talaga si Ares?

"Hey," pagtawag niya sakin.

"I am okay now Sam. Really I am. Maybe mahirap pero ayokong pilitin ka para gustuhin at mahalin ako ulit. Maging masaya is one of my wish and request. We both know Ezekiel... kahit hindi pa kami masyado nag uusap about sa girlfriend niyang sinasabi, I have feeling na it's you... na it's really my greatest love..."

"Hey. I'm sorry. I'm sorry Ares.." Naghihinang sabi ko.

"Look at me... wag kang mag sorry... Wala kang kasalanan. Kasalanan ko Sam.. kasi hindi kita tinrato ng tama simula palang. I am sorry, hmm? I'm sorry kasi yung pagmamahal ko for you habang buhay magiging parte nito..." Sabi niya sabay turo sa puso niya.

Chasing your loveWhere stories live. Discover now