CHAPTER 25

4K 52 4
                                    

Nagising ako dahil sa tawag sa phone ko. Tinignan ko ang oras 11AM na. Agad akong tumayo at pumasok sa banyo. Naligo na ako at lumabas ng naka bathrobe. Pumunta ako sa kusina para mag timpla ng hot choco nakita kong may plato sa lababo.





"Huh? Hindi naman ako kumain kagabi.." bulong ko sa sarili ko. 




Isinantabi ko na lang iyon at pumunta na sa kwarto at nag ayos na. Uuwi na ako sa mansion dahil panigurado hinihintay ako ng anak ko. Nang matapos na ako sa lahat ng kaartehan ko ay kinuha ko ang regalo ko sa kanya at bumaba nasa parking. 

Nag drive thru nalang ako dahil wala pa akong kinain simula kagabi. Hindi naman ganun ka traffic kaya ilang oras lang ay nasa mansion na ako.




Sinalubong ako ni manang ang Sabi niya at nasa pool area daw sila mama at si Jasper. 



"Jasper!" Agaw ko sa atensyon niya pati si mama napatingin.



"Mommy!" Sabi nito



"Anak,"




Umupo ako para masalubong ko ang mahigpit na yakap ng ansk ko. 



"I miss you Mommy!" Sabi ni Jasper sabay halik sa mukha ko. 




"Happy Birthday baby," bulong ko




"Mommy tapos na po," Sabi niya at umalis sa yakap sakin. Pinakita ko sakaniya ang regalo ko.




"Thank you Mommy!" Sabi niya at kinuha ang regalo mula sakin.




"Ito pa baby, Happy birthday rin daw sabi ni Captain Jayden." Sabi ko sabay abot ng isa pang paperbag. 




"Captain Jayden?!" Hindi makapaniwala na sambit niya. Tumango ako at ngumiti. 



"Sige na buksan mona sa loob kausapin ko muna si Lola mama," Sabi ko sa kanya at tumakbo na siya papunta sa sala.





"Ma," bati ko at paupo kami dito sa mini garden



"Anak, kumusta ka sa Japan?" Bungad nito.



"Ayos lang po mama, na miss ko si Jasper" 




"Si Jayden ay isang Callen diba anak?" Sabi niya.




"Opo," sagot ko na kinatango ni mama.



"Anak… naghahanap ng ama ang anak mo. Kahit kay daddy mo ay tinatanong kung nasan ang daddy niya." Pagpapatuloy ni mama. 





"Narinig mo naman ang wish nang anak mo. Sana anak, makapag usap na ulit kayo ni Kiel para kay Jasper. Naawa ako sa apo ko."  Tinignan ko si mama. 





"Ma…. Masakit dito," Sabi ko sabay turo sa puso. 




"Pero para kay Jasper, kakausapin ko siya. Haharapin ko siya." Nakangiting sambit ko. 




"Kailangan mo ba ang tulog ni daddy mo?" Tanong niya.



"Hindi mama, Kaya ko po ito." Sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ko higalapin si Kiel. Tumayo si mama at niyakap ako. 





Tapos ng konting usapan ay pinuntahan ko ang anak ko. Pinanood ko siyang masayang naglalaro ng mga laruan niya. Nang maramdaman niya ako ay ngumiti siya at lumapit. 




"Mommy, this is rare" Sabi niya sabay lahad ng regalo ni Jayden.

 




"Is that so?" Tanong ko.





Chasing your loveWhere stories live. Discover now