Kusinta part 1

11 2 2
                                    

Narito nanaman tayo, sa wikang tagalog nanaman ang tula
Sa tulang ito sa babaeng mahal ko, ako'y magpapahalata
Pero tara! Magluto muna tayo ng burger at magpahinga
Ako'y tutula at kukwento muli para sa madla

Hay nako...nakita nanaman kita sa loob ng masa
Nakaupo sa isang kainan na may dalawang upuan sa mesa
Sino nanaman kikitain? Talagang nakakapagtaka
Magmamahal na nga ba ng iba o ako'y may pag-asa pa?

Para akong kumain ng tinapay, hindi ko alam anong lasa
Hindi alam ano ba talagang gagawin. Titigil ba ako o aasa sa kanya?
Lumalambot ako puso ko pag nakikita ka aking sinta
Kaya nasasaktan ako kung nakikita ko na may kasama kang iba

May gulay rin ito, nutrisyon para sating katawan
Kahit naman papaano, meron itong pangangalaga sa ating kalusugan
Tulad nalang ng pangangalaga mong walang katumbas na pagmamahalan
Tumatatak sa puso't isip, lagi nalang syang iniisip kung nasaan ka man

At syempre di natin makakalimutan ang masarap na karne nito
Isa sa pinaka malasa't importanteng sangkap dito
Malasa't nakakatunaw dila at sigurang hahanap hanapin mo
Tulad ng napakasarap nyang yakap, espesyal daw kahit hindi kayo

Pero sige, dagdagan narin natin ng ketchup, mayo at keso
Magdadagdag lasa sa burger natin, worth it bawat piso
Dagdag effort sakanya, konting bigay doon, konting ligaw dito
Ano man lasa nyan, wag na umasa, hanggang sarap lang yan, walang kayo

O sandali lang kaibigan, ingat baka mainit pa yan
Wag mo na ipilit na kainin at lunokin, ikaw lang masasaktan
Ako lang itong iyong karamay, ika'y akin lamang papayuhan
Itigil mo nayan, nagmumukha ka lang tangang walang laban

Pero kaibigan, masarap ang mahal hindi ba?
Sadyang hindi talaga lahat natutupad sa plano at hindi laging masaya
Lahat ng sangkap, may negatibo at positibong naitatala
Kaya ito napakasarap dahil masaya tayo sa ating ginagawa

Ano man resulta ng ating niluto at ano man ang bunga
Bunga iyon ng iyong pagsasaya at pagmamahal para sakanya
Kaya magsaya ka lang, habulin mo lang siya
Ano man ang resulta...tiyak may makukuha kang magamda

Poems of lifetimeWhere stories live. Discover now