Volleyball ng mga sawi

8 2 0
                                    


Masaya daw magmahal, lalo na kung tayo daw ay umaasa
Pero alam naman natin parang itong volleyball...ikaw ay binobola
Tapos lahat ng tao, quick touch lang sayo at bigla kang ipapasa
Di man lang na rebound, panandalian lang daw talaga

Masakit pa dun, iseset ka pa sa iba tapos ibabato ka lang naman sa kabila
Bigong puso lang nakuha mo, kaala mo ika'y pinagpala
Meron pa silang mga jump floater, underhand at overhead pa
Pero alam naman natin na kahit anong serve yan, Hindi ka mapapasakanya

Tapos iiwasan ka lang naman kung tatapatan mo mukha sa mukha
Hard pass nalang daw, kesa sa "woke" sila mapunta
Sila na nga fuckboy, nang gagaslight pa
Halos pareparehas lang, ibang kulay lang talaga suot nila

Pinaglalaruan ka na nga, sila'y nasasayahan pa
Uso na siguro ang babae ang ginagawang tanga
Hayaan mo na ang mga lalaki na niloloko ka
Hindi naman nila deserve ang tulad mong maganda

Kaya itigil mo na, Ipito mo na ang sipol
Hindi mo kailangan ng lalaki upang humatol
Sa mga lalaking ganyan huwag ka na humabol
At huwag tayo tumulad sa isang volleyball

Poems of lifetimeWhere stories live. Discover now