Imahe

12 2 0
                                    

Simulan natin ang istorya patungkol sa babaeng kay ganda
At ang imahe nya na napupuno ngiti at saya
Imaheng kung tuwing tingnan ako'y nagkakandarapa
Nagmamahal, sumasaya at tunay na umaasa

Imahe na puno ng ginigiliw at iniingatang ala-ala
Ngunit ngayon, tinatanong ang sarili kung bakit narito pa
Pinipilit ang sarili upang ika'y makalimutan na
Ngunit nagmamahal parin kahit wala na ako sa puso mo sinta

Mga imahe ng mga naguhong pangarap
Sumaya at naloko, ang utak ay umabot sa mga ulap
Totoo nga ba ang iyong na nararamdaman o sadyang nagpapangap
Huwag ka ba mag kunwari at sabihin mo sa aking harap

Mga imahe na may ika'y may kasamang iba
Meron pa ba na maisasampal na mas malala?
Kaylangan pa ba magtanong sa buwan at mga tala
Kung bakit mo ako niloko at pinagpalit sakanya

At aking iwawakas, ikakasa ko na ang baril at ihanda ang bala
Hahayaan ka na nang sumaya sa taong natagpo mo sinta
Ngunit, matamaan ka man lang ng isang kidlat ng pag iisip at matauhan ka
Tama nga ba ang desisyon, wag kang mabahala

Ito na, handa na, ikakasa na ang baril at ipuputok ang bala
Hindi na muling hihiling ng hiling at pagpapala
Hahayaan nang mawala, doon ka na kung saan ka masaya
Kahit ako'y nasaktan na't naloko mo pa

Isang saksak sa likod, dib dib at puso ang iyong ginawa
Sa iyong ginawa, sadyang napapatawa nalang talaga
Ito na, handa na, isasara na ang mga mata
Hahayaan nlng pumanaw kesa makita kang may kasamang iba

Sapagkat itong mga imahe iyong naiwan sa frame na sira
Mga imahe na tinitingnan sa jeep bago bumaba at pumara
Itatabi sa isang kahon ang mga sulat, drawing at mga tula
Pati ang mga alaala na malulungkot, nakakapagod at nakakasaya.

Poems of lifetimeWhere stories live. Discover now