rain ─ 3

11 3 0
                                    

"Since we don't have time, I will let you choose your partner for this reporting, tomorrow will be discussed the important things. Class Dismissed." Sunod sunod na sabi ng professor ko sa Anatomy. Ang lugi naman no'n, niligpit ko muna ang gamit ko bago tska tinanong isa isa ang blockmates ko pero kahit isa ay walang available!

Ito last na 'to, "Manalo! Partner na tayo." Tawag ko kay Yara pero tinawanan lang niya ko at nag hand gestures na meron na siyang partner. Kapag sinabi pa naman ng prof na 'yon na duo, dapat duo. Kung pwede lang talaga mag isa, ako na lang!

"Tayo na lang." Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may nag salita. "Wala talagang ibang option?" Bulong ko habang tumitingin tingin isa isa sa mga blockmates ko. "Wala rin akong choice 'no, kaya sa'yo na lang ako." Mayabang na pag sabi niya, i rolled my eyes. "Yabang." Bulong kong muli. "Sungit." Sabat niya.

"Tayo na, wag ka nang maarte. Ako na 'to." Sabi niyang muli habang nakangiti sa'kin. "Ang dami mong sinabi." Sabat kong muli, "Marami naman akong maiaambag bukod sa kagwapuhan ko." I make face, he laughs about it. Why is he suddenly so close to me? As if we've known each other for 10 years. 

I don't have any choice so i need to accept him as my partner. He wouldn't be pain in my butt for sure because how gifted he is, not gifted as me though. "Just make sure you'll do your parts," Sabi ko. Tumango naman siya ng aso. "Meet me in the library kung wala kang schedule mamaya ng 3PM hanggang 5PM." I said before I leave.

Wala naman akong gagawin buong mag hapon kaya i decided na tumambay sa isang coffee shop dito sa tabi ng university, nag patay ng oras hanggang sa mag 3PM na. Pag pasok ko ng library ay nakita ko agad si Aristotle. Kumaway siya sa'kin habang nakangiti, nag akma naman ako na parang hindi ko siya nakita.

"Nag kape ka na?" Tanong niya kaagad sa'kin pag upo ko, tumango ako tska binuklat ang Ipad ko.

"Yabang ni idol naka Ipad." bulong niya. "Hindi ang librarian ang mag papaalis sayo dito kundi ako, kaya manahimik ka." Saway ko sakaniya, tumahimik naman siya kaagad.

I explained a lot of things, ganun rin siya. He's transforming to a different person when it comes to academics and I like that, that's what we are here for. Dumating ang 6PM at sinabi kong uuwi na 'ko. "Sabay na tayo," sabay kaming tumayo, umiling ako.

"Doon rin ang way ko! Sasabay lang. Akala mo naman ihahatid kita," 

Bigla namang bumuhos ang ulan, mabuti na lang at nandito na kami sa terminal kung hindi ay maabutan kami ng baha. "May payong ka? Dalhin mo muna 'to." He offered.

"Ikaw naman naman ang mawawalan."


"Ayos lang ako, Dalhin mo na yan." Pag pipilit niya sa'kin at pinapaalis na 'ko.

Bumaling ulit ang tingin ko sakaniya papalayo. He muttered 'ingat ka' while waving at me. Tumalikod na 'ko at nag patuloy sa pag lalakad, nakauwi naman ako ng matiwasay at kaunti lang ang nabasang parte sa'kin.

"Oh? Bat ngayon ka lang?" Tanong agad ni Stacy pag kapasok ko ng pintuan. "Nako ha, Rosette! 'Di kita pinalaking ganiyan." Pag sesermon niya sa'kin na para bang siya ang nanay ko. Kahit kailan talaga kailangan niyang umeksena.

Kinabukasan umuulan ng malakas pero dahil waterproof ang mga college students, pumasok ako. Alam kong baha sa university kaya nag tsinelas na lang ako at nag baon ng maraming plastik. Pumasok na ako ng classroom, medyo maingay sila pero bearable naman.

"Cute mo pre pag naka blue, para kang si sadness," Asar ni Paulo kay Aristotle.

"Malapit na ko maging si anger kaya umalis alis ka sa harap ko!"

Nakalipas ang buong linggo at ganun pa rin ang routine ko, pumasok at mag aral. Busy ako nitong week dahil ang daming kailangang tapusin for this month, another month another suffering.

Hold, RainWhere stories live. Discover now