rain ─ 12

1 0 0
                                    

It's raining so hard when i reach the convenience store nearby. Nakapag dala naman ako ng payong dahil ramdam ko na uulan. Suot ko ang pula kong hoodie at naka maong shorts lang ako dahil patulog na rin naman ako, nagutom lang.

I was checking the noodle section when someone beside me spoke, "Baka mas mauna ka pang maging pasyente kaysa maging doctor dahil palagi kang naka-instant noodles," I glance at someone shocked.

"Tangina mo,"

"Wow that was a nice greeting, AtarAY," I cringe so hard when he calls me that. Lumipat na ako sa soft drinks section at nakasunod pa rin ang lalaki sa'kin.

"Napadalaw ka na naman sa Manila, Gavin," I heard him chuckled. "Sino na namang nursing student 'yan?"

"Ang sama talaga ng tingin mo sa'kin, may inasikaso lang ako sa documents ni Dad," Kumunot ang noo ko at napatingin sakaniya, "My Dad flew away to California to pursue his career as a Senior Pilot," He smiled softly. Tumango ako doon.

Binigay ko na ang binili ko sa counter at nag palagay ng hot water sa section ng noodles, dito na lang ako kakain dahil malakas pa ang ulan.

I saw Gavin's cart and it's sisig meal and a rootbear. Di pa rin siya nag babago, kahit nung High School pa kami favourite niya ang Sisig meal dito.

"I missed this kind of night of ours, sette," I smiled at him, palagi namin 'tong ginagawa noong college pa kami dahil malapit lang ang Condo ko sa bahay nila noon.

Nakita ko siyang napaso sa kinakain niya, "Hanggang ngayon napapaso ka pa rin?" Natatawa kong tanong sakaniya. "Para kasing 10 years pa bago lumamig e, gutom na 'ko" Doon na ako natawa ng tuluyan.

Humigop na ako ng mainit na sabaw, I never knew i needed this time, to be with an old friend of mine. It's relaxing, it makes me feel like I'm resting.

Maya maya pa ay tumila na ang ulan ngunit ayaw ko pang umalis, kumuha kami ng tig-isang beer para sa'ming dalawa. Nag papalipas ng oras habang nag k-kwentuhan.

"Naka-motor ka?" I asked him, he nodded softly. I'm not worried about him getting drunk because it's just a beer and besides, his alcohol tolerance is on different level.

"Hatid kita after nito," Tumango ako dahil anong oras na rin, i only bring my money but i left my cellphone in condo because i thought mabilis lang ako makakabalik.

PAGBALIK ko ng condo ay may nakita akong plastik bag na puno ng snacks at may note ito sa loob. Napatingin ako sa paligid ko habang nag tataka pa rin kung kanino galing ang bag.

'enjoy the snacks, doc!'

Agad na kumunot ang noo ko. Kanino naman 'to ng galing, luminga linga pa ako sa paligid ko at nag hahanap ng sagot pero wala naman akong napala.

Pumasok na 'ko sa loob at naabutan ko si Stacy na tulog sa sofa hawak hawak pa ang printed reviewer niya na may highlights. Pinatay ko na ang fan at binuksan ang aircon para malamig ang buong unit.

I was roaming around on other people's story on Instagram when i saw this particular person's story. Nasa convenience store siya nearby, walang context at picture lang ito ng snacks section.

Tinanggal ko na ang story niya at nag scroll naman sa post ng iba, maya maya pa ay narealize ko na ang store na 'yon ang store na kinainan ko kanina!

Ang tagal ko na siyang hindi nakikita dahil halos tatlong araw na hindi pumapasok ang lalaki. May exam pa naman kami next week, sana ay makahabol siya.

And the last thing I knew the blue circle on his profile disappeared. Weird.

It's been weeks and we're already having our MidTerms. I thought my tiredness and sacrifices are enough when i graduated my pre-med pero sobrang mali ako. 4th Year drains me so much, Universe give me strength.

Hold, RainWhere stories live. Discover now