rain ─ 8

5 2 0
                                    

I decided to go to the gym this morning to have some energy. Wala rin naman ako sa diet, gusto ko lang na malakas ako at ang katawan ko.

Ano ang magagawa ng pag babasa ko at pag susunog ng kilay sa pag aaral kung inaabuso ko naman ang katawan ko?

Nagulat ako ng makatabi ko si Aries sa treadmill, ngumiti siya sa'kin habang tumatakbo. Tumatagaktak ang pawis niya kanina pa yata siya dito habang ako ay warm up pa lang.

"Do you want to grab some coffee?" Aries came up to me, with a smile on his face.

"I'm going to buy groceries," Maikli kong sagot sakaniya.

"Sama ko?" Sa tono ng boses niya kulang na lang ay sabihin ko na 'oo pwede kang sumama'.

Kumukuha ako ng mga kailangan namin dahil naubusan na kami ng stocks sa ref. Habang si Aries naman ang nag tutulak ng cart. Masiyadong busy si Stacy para gawin 'to kaya ako na lang ang gagawa.

"Anong favourite mong ulam?" Tanong niya habang tumitingin ako ng mga presyo, grabe taas ng bilihin! Sasama na 'ko kay Lord sa sobrang taas.

I stared at the can of sardines while thinking what is my favourite food. I don't have a specific favorite food like other people.

I don't have someone to share my favourites with. Kaya hindi ko alam kung ano.

"Ako, Kare Kare" He says so proudly.

"Bakit? Di mo ba gusto ang Kare-Kare?" Tanong niya nang hindi ako sumagot sa kaniyang tanong. 

"Kumakain," Hindi na siya nag initiate ng another conversation dahil busy ako mag tingin at mag compare ng prices.

Siya ang nag dala ng paper bag kaya hindi na 'ko nahirapan mag dala, hinatid niya ako sa condo para hindi na raw ako mag dala.

Tumingin ako sakaniya mula sa likod ko, ningitian ko siya at bumalik ang ngiti sa'kin. How cute.

"Ikaw na naman, Lalaki na naman!" Reklamo agad ni Stacy nang maibaba ni Aries ang paper bags.

"Good morning,"

"Breakfast ka muna, Mag luluto lang ako. Manood muna kayo ni Stacy diyan," Saad ko habang nags-suot ng apron. I decided to cook mushroom soup and bacon for breakfast. Nag timpla rin ako ng matcha drink for the three of us.

"Yes, Mommy!" Pang aasar ni Stacy. Bumalik siya sa kwarto niya para maligo may pasok yata siya ngayon habang ako naman ay may short shift mamayang hapon.

Pag tingin ko sa gilid ko ay nakita kong nag ha-hain si Halili ng plates and utensils.

"Ako na diyan, bisita ka eh"

He just smiled at me and sat on the dining table. I never knew we'll be ever be this close to each other. I just remember our debates that we almost hit each other what I mean with hit is almost tied.

Hindi ako madalas manalo. We're always tied or madalas ay nakakataas kami sa isa't isa. Kaya nga naiinis ako sa taong 'to simula noong first year ng medical school.

We just ate and he already went home after that. Nagpahinga lang ako for my shift sa clinic.

"Lapit na araw ng mga diablo, sis"

Tinutukoy niya ang Valentine's day, kakapasok pa lang ng February at ayon agad ang pumasok sa isip niya.

"May bago akong challenge in life, kaya sorry ka may date ako," Dumuduro duro pa siya sa'kin na parang nang aasar.

"Every year naman yata. Ibang tao na naman 'yan," Tawa ko sa mukha niya, inirapan niya ko dahil sa sinabi ko.

"Pag ako nadiligan, Mag papa dinner ako sa botanical garden!"

Hold, RainWhere stories live. Discover now