rain ─ 5

7 1 0
                                    

"Gago, Seryoso? Si Dave?" Pag c-chismisan ng mga kaibigan ko. Nag ka-ayaan kami mag samgyup ngayong sabado, imbis na nananahimik ako't nag-aaral, kasama ko ang mga magugulo.

"Oo, Nakabuntis daw. Balita ko ay nag hiwalay rin ang parents no'n dahil may affair." Sinagi ko silang dalawa, it's not nice to talk about other people's life infront of meal.

Nanahimik na sila pagtapos kong sawayin, nag kwentuhan na lang sila tungkol sa mga nakalandian nila.

"Balita ko Bea, nag kakamabutihan kayo ni Nathan?" Umiling naman si Bea sa sinabi ni Stacy. "Bestfriends lang kami,"

"Alam mo, sadsad na sa'kin 'yan." Dumuduro duro pa siya.

"Ako na naman ang napuna mo! Akala mo hindi nag end ang another talking stage with Varlo kahapon,"

"Miss Ma'am, I don't give a fuck" Natawa ako sakaniya.

"Every week ka na lang may failed talking stage!"

"Tiniis ba naman kahit ang daming kalandian no'n" Asik pa ni Bea, Tawang tawa.

"Ako naman daw favourite niya,"

Napailing ako do'n Hindi na ako sumasabat sakanila at baka ako ang maging susunod na topic. Ayos na sila lang ang pinag uusapan nila.

"Kayo ni Aristotle? Mukhang napapadalas siya, e" Ito na nga, nadamay na nga. Binigyan ako ni Stacy ng nanunudyo na ngiti. I gave her a disgust look that made her laugh.

"Aristotle? Aristotle Halili?" Naguguluhang tanong ni Bea, umiling iling pa siya mukhang may inaalala

"Last week my friend says she's going out with him, Ka-block mo ba 'yon?" She said after chewing the pork inside her mouth.

Tumango lang ako, there's nothing going on with Aries and I. We're just casual, nitong mga nakaraang araw nga lang kami nag kakausap dahil palagi kaming mag kaaway sa klase!

After we finish our meal, Lumabas na kami ng restaurant at bumalik sa condo. Si Bea ay nauna na, hintayin daw niya si Nathan na may Saturday class.

Pumikit lang ako ng saglit ay monday na naman kahapon ay may sunday class ako pero isang subject lang naman ngunit kahit ganoon ay ang daming pinagawa!

"What if camping tayo sa sembreak? Hindi naman siguro lahat sasama," Yaya ni Jasmine, isa kong kaklase.

"Tara! Sa Rizal lang eh, madami na" Pag payag ng iba kong mga kaklase. Drawing na naman 'to panigurado.

"Rosette! Sama ka na" Ayan na, iniisa isa na nila and bawat tao na nandito na sa room. Tumango lang ako sakanila, titignan ko pa ang schedule ko bago mag bigay ng siguradong sagot.

"Oh speaking of the devil, Aristotle sama na!" Yaya ni Paulo.

"Kakapasok ko pa lang dinedemonyo mo na 'ko," Asik ni Aries, Nag tawanan naman sila.

"Saan ba?" Bumigay siya kaagad,

"Cute mo pre, para kang perla green diyan," Sabi niya sa green hoodie na suot ni Aristotle. Paulo always says the most random thing in the world.

Buti na lang dumating na ang professor namin, agad silang nag sibalikan sa mga kanilang pwesto.

Nag announce na ng Sembreak ang Professor namin, mukhang kakaunti lang ang gagawin namin ah? Sana nga.

"Yehey! SemBreak na. Akala ko nasa harap pa rin ako ng laptop ko kahit Undas! Ililibing ko na lang ang sarili ko," Sunod sunod na reklamo at relief ni Stacy.

"Anyways, May bago akong nadiscover na kainan sa Alvarez, wag na kayo maarte, di naman kayo maganda!" Yaya na naman nila, nauubos na ang allowance ko kakasama sakanila eh.

Hold, RainWhere stories live. Discover now