rain ─ 4

13 3 0
                                    

"Madam, Mag lilinis na po ang katulong!" tinakpan ko ang tenga ko. "Wag ka ngang sisigaw, alam mo namang matinis 'yang boses mo," Sambit ko sakaniya, naiinis.

"Ay pasensya señorita, nag lilinis ho kasi ako, maari na ho kayong lumabas ng inyong silid upang makapag linis na ho ang katulong." Sinipa pa niya ang paa ko.

I didn't tell anything about my mom kay Stacy. Hindi pa ako handang pag usapan since it's very vivid to my memory pa. My mom's already doing good, doing her physical therapy.

Tagal ko ng di nag pupunta dito sa Gym dahil sa sobrang busy sa med school. Binaba ko ang gamit ko sa locker room at dumiretso sa gym area, medyo madaming nag ggym ng ganitong oras, 8AM.

Mamaya pa ang class ko, hapon hanggang gabi. Delikado na namang oras ako uuwi, nakakatakot pa naman din sumakay ng ganung oras.

"Nice body." Sambit ng lalaking foreigner na nasa middle age, probably in his 30's. Bastos ampota, i didn't mind him until i noticed na unti unti ay papalapit siya nang papalapit sa'kin.

"Are you free later? Maybe we can do a little, you know... fun?" With his teasing looks, i can imagine myself knocking out this fucking man. Hindi ko na lamang muli pinansin,
pinipigilan ko ang sarili kong gumawa ng eksena.

Nararamdaman kong papalapit siyang muli sa'kin, handa ng suntukin ito dahil ibinaba ko na ang curl bars at tinanggal ang airpods na suot ko ng biglang may tumabi sa'kin, hinarangan ang lalaki.

He smiled at me at the mirror infront of us, assuring me. I continued my routine until napagod ako, but Aristotle continued. Hindi ko alam paano niya ako natunton, sinusundan talaga siguro niya 'ko.

Lalabas na ako ng gym ng biglang humabol si Aristotle, "Alcaraz! Wait." inis akong humarap sakaniya.

"Sinusundan mo ba 'ko?" Straight na tanong ko sakaniya, mukhang nagulat siya roon. Bahagya siyang natawa, kaya naman mas lalo akong nainis.

"Hindi naman sa ganon─" pinutol ko na agad ang sasabihin niya. "Stop following me." Iritable kong sabi, hindi ko alam simula nung sinabi na niya sa'kin ang mga salitang 'yon. Gusto ko na siyang iwasan!

"Ipapabigay ko lang sana 'tong papers kay Sir, hindi ako makakapasok sa subject niya," Nag aalangan na sabi niya, natigilan ako do'n. kinuha ko na lang ang papel at akmang aalis nang makita si Stacy na nasa likod ko na pala.

"Bagay talaga ang R at A. 'Rosette Assuming!'" Pang aasar sa'kin ni Stacy, paniguradong narinig niya ang usapan namin kanina ni Aristotle. Tawa siya nang tawa pag uwi namin ng condo, hindi na yata siya makaka-move on.

"Masarap ba mag maganda?" sambit niya pa sabay halakhak. Tangina talaga nito, hindi na niya ko titigilan!

"Tangina mo." I raised my middle finger at her, at mas lalo siyang natawa roon. Mukhang ayaw ko na harapin si Aristotle pag tapos nito, ayaw ko na rin harapin si Stacy!

Hindi kami close, at never will be. Parang tanga kasi, kung nasaan ako nandoon rin siya! Anong iisipin ko nito? Naririndi na ko sa halakhak ni Stacy kaya pumasok na ako ng banyo para mag handa sa klase ko mamaya.

Tinitigan ko ang papel na inabot sa'kin noong gagong 'yon habang nag lalakad ako. Ito lang pala 'yon! Akala ko sobrang importante, makapag react pa siya kanina.

Nag scroll muna ako sa social media ko pag tapos ng klase, ayoko munang umuwi kaya nakatambay ako dito sa bench, tapat ng Meraki building.

"Nandito ka na naman." Nabaling ang tingin ko sa lalaking umupo sa tabi ko. "Ikaw rin, nandito ka na naman." Sabat ko, tumawa siya roon.

Hold, RainNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ