rain ─ 15

0 0 0
                                    

I didn't come out of my room for the next few days. Walang kain, walang tulog.

Kahit hindi ako guilty, bakit parang kasalanan ko pa rin?

Maybe a part of me was telling
that I'm part of it even though I'm not. The little voices inside my head was telling me that I did it too because the blood of my father was still on me.

Why do I have to suffer on things that I didn't do just because I'm connected with that man.

Ang daming missed calls sa'kin ng mga kasamahan ko sa hospital and one of them is Aristotle. Ang dami niyang messages sa'kin even on social media platforms.

Akala ko kaya ko na, kaya ko nang mag handle ng mga bagay. I laughed at myself. Sarili ko nga hindi ko mahandle ng maayos, who am I to think that I can finally handle things?

Ilang araw na ring hindi umuuwi si Stacy. Hindi na rin niya ako hinarap pagtapos ng usapan namin. Nanghihina pa rin ako sa tuwing maalala ko ang nangyari.

It's too much.

I decided to go on walk, hahanap ako ng beer house o kung saan man pwede mag inom. Hindi ako palainom dahil wala naman akong oras para doon but this time I think this is the right time to drink.

Mukhang bago 'to. Inuman place pero naka tent lang, may mga binebentang alak at mga pulutan. Agad naman akong umorder ng iinumin ko.

Hindi ko namalayan na dalawang oras na pala ako dito kundi ko pa sisilipin ang oras sa cellphone ko. Nakakatatlong bote na rin ako pero tila walang tama 'yon dahil sa dami ng iniisip ko.

What about my clerkship? Hahayaan ko na lang bang ganun 'yon? 4 years in medical school? Susugal ko ba 'yon for this problem?

Ang pag-aaral ko? Si Aristotle? Hahayaan ko bang mas maging una siya sa'kin sa class ranking? Paano kung siya ang pinaka una sa ranking kapag graduation na?

Fuck. Ano bang ginawa ko sa past life ko para maranasan ko lahat ng 'to? Why do I have to suffer on things that I didn't do?

Tangina. Hindi nga ako makapag explain dahil sa sobrang galit nila sa'kin, I can't even defend myself. Hindi rin naman nila ako binigyan ng chance para makapag salita.

Harap ng kalsada ang iniinuman ko ngayon kaya kitang kita ko kung sino ang mga dumadaan.

"May mga problema rin kaya silang pinagdadaanan?" Bulong sa sarili. "Mas mabigat kaya ang nararamdaman nila kaysa sa'kin?" I chuckled. Para kong tanga, nag tatanong pero wala namang sumasagot.

Hindi sa kalayuan ay nakita ko ang lalaking matagal ko nang inaasam na makita. Gustuhin ko man pero parang wala akong mukhang ihaharap sakaniya.

Paano ako magpapakita sa taong gusto ko kung ganito ako ka-miserable?

Patawid siya at halatang may hinahanap hanap dahil ang likot ng mata niya. Hawak hawak ang isang payong dahil hindi ko na rin napansin ang kanina pang pag-ulan.

Hindi na napigilan ang sarili kundi umiyak. Paano niya ko nagagawang hanapin pa kung ganito naman ang iniisip ko sakaniya?

Gusto ko ba talaga siya? O gusto ko lang ang nararamdaman ko pag katabi ko siya?

Ang sama kong tao.

Pabalik na ako ng condo, wala akong choice kundi magpaulan dahil wlaa naman akong dalang payong nang lumabas. Hindi ako nagmamadaling umuwi, dinadama ang bawat patak ng ulan.

Mas lalo bumigat ang pakiramdam ko nang makita kung sino ang papalapit sa'kin ngayon, "Rosette, Ano ba? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Stacy reached out my hands.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hold, RainWhere stories live. Discover now