Kabanata II

72 9 8
                                    

#BIOTSBeginningOfTheNightmare

A FEW MINUTES AGO

Isang gwardya ang naglalakad upang buksan ang school gate nang tumunog ang school bell, dahil alam niyang as usual ay tatalon na naman ang estudyanteng si Vida mula sa classroom nila.

Habang naglalakad ito biglang sumakit ang ulo niya, imbes na mainit, nilalamig ang buong katawan niya, randam niyang tilang puputok ang eyeballs niya. Nilabanan niya ang sakit na nararamdaman niya ngunit nagumpisa siyang mag gewang gewang hanggang sa bumagsak na siya.

Agad na pinalibutan ng mga estudyanteng lumalabas ng school building ang gwardyang natumba, bigla namang dumating ang kapwa niyang gwardya upang alalayan siya

"Anton, ayos ka lang ba? Naririnig mo ba ako?" pagtatanong ng isang Gwardya, tinapik tapik nito ang pisnge niya ngunit tila nawalan na ng malay si Anton. Nilapitan ito ng kasama niyang gwardya upang tignan kung humihinga pa ba ito.

Iba iba ang reaksyon ng mga estudyante na makitang nag iiba ang kulay ng balat ni Anton at nagiging asul, lumalabas rin ang kanyang mga ugat at nagiging itim.

Biglang dumilat ang mata ni Anton at ang kanyang mga mata ay naging itim na rin

"Anton ayos kana b-?" hindi natuloy ang pagtatanong niya ng bigla siyang hinila ni Anton at kinain ang kanyang laman sa balikat

"AHHHHHH, ANG SAKIT!"

Hindi maiwasang sumigaw ng malakas ng gwardya dahil napakatalas ng mga ngipin ni Anton. Nagsigawan ang mga estudyante at nagsimula ng magtakbuhan papalabas ng school gate ngunit nakalock pa ito

Pagkatapos kainin ni Anton ang isa pang gwardya ay ngumisi ito at naghanap pa ng panibagong makakain.

Nabigla si Vida sakanyang nasaksihan at tila naestatwa siya sa kanyang pwesto. Hindi nagtagal ay nagtransform na rin ang isa pang gwardya. Nagkagulo ang buong school at nagkaroon ng stampede, kaya natumba si Vida. Ang mga nasa classroom pa ay nagumpisa ng pinagsasara ang mga bintana

[TAKBO VIDA! ANDYAN NA SILA!]

"Z-zombies? No, Balakid. Hey system how come?" Di makapaniwalang pagtatanong ni Vida

[The apocalypse should happen next week, hindi ko alam ang rason bakit napaaga ng isang linggo]

"VIDA! BILISAN MO AT UMAKYAT KANA DITO!" pagtawag ni Gio sa kaibigan niyang si Vida pero tila di pa rin nag sisink in ang lahat kay Vida

"VIVIAN DANIELLE SALVADOR FOR PETE SAKE!, GO BACK TO YOUR SENSES AND FVCKING STARTS RUNNING HERE!!! KAPAG IKAW NAMATAY, TANDAAN MO WALANG CHOCOLATE SA IMPYERNO!" bigla namang natauhan si Vida sa sigaw ni Gio kaya agad siyang tatayo na sana ng bigla siyang daganan ng isang gwardya.

Sobrang lakas nito ngunit ginawa ni Vida ang lahat upang labanan ang gwardya at bago ito matumba ay inagaw nito ang baril niya. Agad niya itong kinasa at binaril ang gwardya sa puso. Sumabog naman ang dibdib ng gwardya at mas lalong lumakas ang sigawan ng lahat dahil sa tunog ng baril.

Napansin niya naman na tilang may maliit na puting batong nagliliwanag na tumalsik galing sa puso ng gwardya. Agad niya itong kinuha at nagsimulang tumakbo si Vida at umakyat mula sa veranda para makaabot sa bintana at makarating sa classroom nila, inalalayan siya ni Gio upang makapasok agad mula sa bintana dahil tila wala pa rin siya sakanyang sarili.

Nang makapasok na siya sa loob huminga muna siya ng malalim. Agad sinara ng mga kaklase nila ang bintana at tinakpan ng kurtina. Ngunit napahinto ang lahat ng biglang malakas na putok ng baril ang narinig nila mula sa labas.

BALAKID : Imperilment Of The SpheresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon