Kabanata III

56 9 7
                                    

#BIOTSLeavingTheSchool

"Good thing that the security room is outside and i can see from here na wala ng balakid sa labas puro mga bangkay nalang" sabi ni Vryan na nakasilip sa awang ng bintana

"So anong plano?" pagtatanong ni Rose

"Susugod ba agad tayo?" dagdag na tanong ni Sofia

"Wag, gusto mo bang mamatay agad?" balik na tanong sakanila ni Ran

"Wag tayong padalos dalos sa ikikilos natin" sabi ni Vida

"Tsk, they don't even have a plan yet they want to go outside" bulong ni Karen na narinig ni Leia akmang susugurin niya ito ng senyasan ni Vida si Lance at agad niyang pinigilan

"Hindi ba pwedeng barilin nalang natin ang makitang balakid?" sabi ni Francis

"Hindi unlimited ang bala ng baril na hawak ni Vida at isa pa sa lakas ng putok ng baril maagaw natin ang atensyon ng iba pang balakid" sabi ni Gio

"Huwag kang patanga tanga pre tsk tsk" sabi ni Ran

"Wow bakit parang unfair marinig yan galing sa lowest grades in class" tapon pabalik ni Francis na siyang dahilan upang magpanggap si Ran na nasaktan ang puso niya

"Hindi naman masakit promise, ouch, pero pasalamat ka nga na ako ang lowest kung wala ako ikaw ang magiging lowest kasi second to the last ka diba" nakangising bato ng salita ni Ran na siyang ikipagpipigil ng tawa ng lahat na siyang ikinatuwa ni Ran

"Kailangan nating bumaba mula sa bintana" sabi ni Vida

"Pano yun, hindi mo naman kami katulad na gawaing umakyat at bumaba sa bintana ng classroom" sabi ni Rose

"Gumamit tayo ng kurtina at itali natin dito sa bakal ng sliding window at dadaan tayo dito sa walang bakal kung saan laging tumatakas si Vida" sabi ni Gio

"Mayroon ba kayong baong kanin kanina?" biglang tanong ni Vida

"Ako meron kanina kaso ubos na sorry di kita mabibigyan" sagot ni Francis at tinaasan siya ng kilay ni Vida

"Tanga alam ko namang matakaw ka kaya matik walang matitira. I'm just gonna ask if ever may fork kayo so we can use it" sabi naman ni Vida na siyang ikinakamot ng ulo ni Francis

"Sana nilinaw mo agad, meron ako"

"Meron rin ako" sabi naman ni Sofia

"Okay good, Ran, Francis, Vryan, Abel, Jerald kunin niyo yung mga baling paa ng upuan sa likod ng room pagsama samahin niyo at pwede natin yun ipanglaban. At pakidouble check if ever may makita kayong gamit na pwede nating pang defend. Idikit niyo yung mga forks sa mga bakal ng baling upuan or check niyo na rin if kayang matanggal ng iba. Leia, Sofia, Daisy, Althea, Karen, halughugin niyo ang buong classroom, icheck niyo mga lockers diyan sa likod if may magagamit rin ba tayo na panglaban, kunin niyo rin yung first aid kit diyan sa table ni Ma'am. At ikaw Gio, samahan mo ako kunin mga kurtina sa storage box at itali natin" napatango at napapayag ang lahat kay Vida, dahil bilib sila sakanya maski ang maarteng si Karen.

Kahit na sobrang pasaway ni Vida sa mga guro at klase, hindi mo maitatanggi ang kanyang kagandahan at katalinuhan. Hilig niya ring tumulong noon sa mga problema ng mga estudyante sa buong GPS. Magaling rin siyang mamuno sa mga kapwa niya estudyante ngunit ayaw niyang tumakbo bilang presidente ng eskewalahan dahil sabi niya marami daw gagawing trabaho doon.

Napilitan lang siya maging presidente ng klase dahil late siyang nakapasok noong nagbotohan at huli na ang lahat ng pagtripan ilista ang pangalan niya sa mga candidates. May karapatan siyang tumanggi ngunit ang kalaban niya sa botohan ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Gio, hindi niya maisip kung anong mangyayari sa klase nila kung ang mamumuno ay ang kaibigan niyang mas pasaway pa sakanya at laging busy sa sports club activities.

BALAKID : Imperilment Of The SpheresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon