Kabanata IX

48 7 3
                                    

#BIOTSEvil

[I think it's best kung uumpisahan niyong magpakilala. Tandaan mo strangers pa kayong lahat sa isa't isa, magiging wary na naman yang isa sayo]

Huwag mo akong pangunahan ayan ang gagawin ko

[Wag ako, kaya pala kulang nalang kainin mo silang lahat sa tingin mo]

Hayss bakit kaya nasa utak kita, di tuloy kita masapak

Pinakalma niya uli ang sarili niya, sinenyasan niya si Gio, pinagdikit naman niya ang kanyang mga kamay kaya ang atensyon ay nasa kanya

"Ako nga pala si Gio! I'm one of the frontliner of this association and the right hand of the leader. I'm the fighter of this group I excel in both gun and combat fights" nagtataka naman siyang tinitigan ng lahat

"I'm Tessa, I'm the sniper of the group" sabi niya sabay flex ng upgraded sniper niya "Don't listen to Gio, he's such a liar I'm actually the right hand of the leader" nakangiting pagpapakilala nito at mas lalong kumunot ang noo no Vida

"Ako kaya! Mas matagal na kaming magkakilala" dinuduro duro pa niya si Tessa, tinarayan naman siya nito

"So what hindi lahat ng nauuna ang nagwawagi sa huli" proud na sabi nito at nginisian pa si Gio, binatukan naman sila pareho ni Leia

"Tigil niyo yan, kung right hand kayo ni leader dapat marunong kayong bumasa ng expression niya. Tignan niyo oh ang sama na ng tingin" napangiwi naman sila ng makita ang matatalim na tingin ni Vida, nagpanggap naman silang nag zipper ng ng bibig, pinipigilan matawa ng batang survivor sa mga nasasaksihan

"Hello everyone, I'm Leia I'm the strategist of the group, if you want to know more about balakid you should come to me"

"Ako naman si Ran, ako ang bahala sa mga makakain ninyo, hindi sa nagmamayabang nagsasabi ng totoo lamang, luto ko ang pinakamasarap sa mundo" Nagawa niya pang kumindat na cringe-an naman ang mga kasamahan niya "At binabalaan ko kayo, akin lang si Leia" naging seryoso naman ang mukha niya kaya binatukan naman siya ni Leia at tinago ang namumula niyang mukha

"Ako naman ang sa medical treatments, ako si Ice" pagpapakilala niya habang ginagamot ang tuhod ng isang babae

"Hi po I'm Fritz and this is Harry we're assigned in any technologies and inventing objects." Pagpapakilala ni Fritz sakanilang dalawa dahil alam niyang di hilig ni Harry ang maunang makipagusap sa mga tao

"They look like just a normal kid but they're more than that. By the way I'm Daisy, I'm assigned in any kind of transportation"

"I'm Liam, the engineer slash architect slash craftsman of the group "

Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa panghuling babae

"I'm Vida, the leader of Hiraya Association, binuo namin ito dahil ginusto naming tumulong, syempre yung talagang nangangailangan ng tulong ang tinutulungan namin. Ayaw namin ma outnumbered ng mga balakid ang tao kaya binuo namin to. I'm an all rounder, I'm confident with my skills wag niyo lang ako tanungin kung ilan butil ng bigas meron sa isang sako" hindi na kinaya ng batang lalaki at tuluyan na siyang tumawa, sinaway naman siya ng kanyang kuya, ngunit nginitian lamang siya Vida

[Ayaw mong tanungin ka niyan pero ikaw nagtanong sakin]

Eh kung sinagot mo sana yung tanong ko na yan may maisasagot ako sa magtatanong sakin

"Pwede bang kayo naman ang magpakilala?" Pagtatanong ni Tessa

"Ako si Cyrus, ito si Zane kapatid ko, ito naman si Anna at Belle at ito si Mang Ted" pagpapakilala ng lalaking may hawak ng baril kanina

BALAKID : Imperilment Of The SpheresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon