Kabanata XVII

29 5 3
                                    

#BIOTSKatha

"Attention Hiraya Residents, mawawala ako ng ilang araw kasama ang ibang miyembro ng Hiraya at Maharlika. Panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng ating mga base. Ang paglabag sa batas at ang bawat kasalanan ay may kaparusahan, ipagkakatiwala ko si Leia bilang pansamantalang pinuno niyo." Kasalukuyan silang nasa tabing dagat habang nagpapaalam ang ibang maharlika sakanilang pamilya.

Hindi nagtagal ay umandar na ang barko at kumaway sila sa mga tao.

"Magpahinga muna kayong lahat at ihanda ang sarili mayroon tayong tatlong oras bago makarating sa Katha" Anunsyo ni Leo sa mga maharlika

Lumipas ang dalawang oras na nagmamasid lang sa karagatan si Vida.

"Ayaw mo magpahinga sa kwarto?" pagtatanong ni Ezra na halatang kakagising lang

"Nope, okay na ako rito presko pa ang hangin" sagot niya

"Okay sasamahan nalang kita"

Ilang minuto ang lumipas at puro lang kwento si Ezra sa tabi niya, ngunit wala si Vida sa sarili niya dahil may masamang kutob siya

"Naririnig mo ba yun?" Napatigil naman sa pagkwento si Ezra at napatingin siya kung saan nakatingin si Vida

"Hmm? Wala naman" napatayo naman ang dalaga ng marinig na palakas ng palakas ang tunog at may natatanaw na silang pareho malaking barko

Agad niyang pinindot ang earpiece niya

"Liam, Something's coming" pag anunsyo niya sa grupo

Agad na nagpalipad ng drone si Liam habang papalapit ng papalapit ay kinakabahan ito. Nang matanaw niya kung anong laman nito ay grabe na lamang ang gulat niya

Tama ba ang nakikita ko?

[Yes]

How come

[You'll be needing to investigate further malakas kutob ko na may connection ang Katha City dito, walang ibang lugar ang malapit]

"Bad news! Punong puno ng balakid ang barko!" Nagulat naman ang lahat sa narinig, mabilis pa sa alas kwatro kumilos sila Tessa, Kenji, Ran, Leo, Mickey at Ice pumunta sa kinaroroonan nila Vida at Ezra. Magkasama si Liam at Gio nagpapatakbo ng barko.

"Igigilid ko na agad ng kaunti ang barko may tendency na bumangga tayo diyan" sabi ni Gio na agarang kumilos

"Mickey please make an announcement, hindi natin hahayaang makalagpas satin yang barko ng mga balakid, baka kung ano pa mangyari sa lugar natin" agad na tumango ito

"Maharlika prepare yourselves, ihanda ang mga canon at bomba! May papalubigin tayong barko!" Pag anunsyo niya, lumabas sa hologram ng smart watch niya ang mukha niya, magkaiba ang features ng smart watch ng mga maharlika sa miyembro ng hiraya dahil limited lang ang kanila

Parehas na long sleeves na turtle neck and long pants ang damit nila. Mayroon rin silang gloves at mask, halos magkaparehas sa damit ng hiraya ang pinagkaiba nga lang kulay itim ang sa mga maharlika. Leather rin ang tela nito, mayroong belt rin sa pants nila na lagayan ng upgraded gun, lahat rin sila ay mayroong dagger knife na nakalagay rin sa belt

Napahinto ang lahat sa kani kanilang mga ginagawa at mabilis na kumilos. Pumalibot sila sa buong barko at ang iilan ay nakaharap kung asan man ang barko makakasalubong nila.

"Get ready to fire!" Pagsenyas ni Vida ay pinasabog nila ang mga bomba at canon ball sa kabilang barko

Sumabog ito, at lumalaki na ang apoy di nagtagal ay unti unti na itong lumulubog may iilang balakid ang nagpupumiglas sa tubig. Pinagbabaril nila ang bawat balakid para siguradong wala ng takas ito. Kahit pa hindi sila marunong lumangoy kapag sila ay inalon alon ay may tyansa na makarating sila sa pampang ng Hiraya City

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BALAKID : Imperilment Of The SpheresWhere stories live. Discover now