Kabanata V

48 8 7
                                    

#BIOTSTheGift

"Hiraya" ngumiti naman ang kanyang mga kasama at sumang-ayon sakanyang naisip

"By the way, Fritz kaya mo bang gumawa ng upgraded gun? Yung tipo na unlimited bullet and parang silencer type siya?" Pagtatanong ni Vida, tumango naman si Fritz

"Yes ate and siguro yung hindi na need ikasa, gagawa ako ng fingerprint sensor as trigger niya para kung kanino yung gun na yun don lang magcocorrespand." Sagot niya "But i think i should experiment first sa balakid kung ano yung pinaka effective na papatay sakanila. By the way alam niyo ba ang kahinaan ng balakid?" Dagdag niya pa

"Heart," sagot ni Leia "And kung hindi sila takot sa tubig gaya sa alert kanina siguro takot sila sa apoy." napaisip naman sila sa sinabi ni Leia

"Probably we should try that, kaya rin siguro walang gaanong balakid kanina sa kalsada" sabi ni Gio na sinangayunan naman ni Leia

"It's already 12 in the midnight, buka-mamaya nalang natin subukan" sabi naman ni Liam na sinangayunan rin ni Vida

"Oo nga pala Liam, maiba lang, pano mo napatay si Mang Anton?" Biglang tanong ni Ran, napaisip naman bigla si Liam

"I tried to stab his heart but no effects and noong papalapit siya sakin i have no choice to smash his head ng paulit ulit hanggang sa hindi na talaga siya makabangon"

"Probably yung mga evolved balakid tulad ni Mang Anton ang kahinaan nila ay utak" sabi ni Leia, napaisip naman ang lahat

"Okay let's do it later, Mag situlog na tayong lahat at magpahinga"

"By the way can i get the fingerprint of everyone po? Aside from the upgraded gun I need it to make a smart watch so we can contact each other" sabi ni Fritz, pagkatapos silang kuhaan ng fingerprint ni Fritz nagkasundo silang pumasok na sa kanya kanyang kwarto habang si Vida ay bumalik uli sa basement

Pagkapasok niya sa loob ay naglakad siya papalapit sa safe box at inenter ang birthday ng ate niya na mistulang password nito. Kinuha niya sa loob ang isang itim na brief case pero may password rin ito. Ito ang laman ng malaking box na regalo sakanya ng ate niya.

Hindi niya ito binigyang pansin noong mga nakaraang linggo. Napansin niya namang may sticky note na nakadikit dito

3687 = 2148
7487 = 4932
5935 = ?

Ngumisi naman siya bago inenter ang 2527 at bumukas ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang laman nito

"How come? Bakit mayroon siya nito? All this time ito ang tinatago ko sa safe na toh? System alam mo ba ito?" Nakakunot ang mga noo niyang nagtataka

[Yes i know everything]

"Weh sige nga ilang butil ng bigas meron sa isang sako"

[Shut up]

Tinawanan niya nalang si system, di nagtagal lumabas na siya basement at pumunta ng kwarto niya at nagpahangin muna sa balcony. Nagbuntong hininga naman siya ng malalim

Nabigla naman siya ng may biglang liwanag ang tumutok sa mukha niya. Tatlong beses itong nagpatay sindi ng mabilis, sinundan ng tatlong beses na medyo mahaba at umulit uli ng tatlong beses na mabilis.

Agad niyang tinignan saan nanggaling ang liwanag, nagmula ito sa katabi nilang mansion.  Nang tinanaw niya ito isang babae at lalaking duguan ang makikita sa kwarto.

BALAKID : Imperilment Of The SpheresWhere stories live. Discover now