Kabanata XVI

46 5 3
                                    

#BIOTSPreparation

Pagkatapos mag almusal agarang bumisita si Vida sa kabilang base. Ang lahat naman ay pumunta kung saan sila naka assign. Napatingin sakanya lahat ng bumakas ang pinto.

"Good morning Leader"

"Ayan ang leader ng hiraya"

"Angganda niya"

"Leader good morning"

"Maraming maraming salamat Leader"

"Good morning"

Lahat ng makakakita kay Vida at binabati siya

"What's happening? They know me?" Pagtataka niya

"Syempre kung wala ka, wala rin kaming lahat rito" sabi ni Mang Ted

"Kagagawan ni Anna at Bella humingi sila tulong kay Liam upang gumawa ng bulletin board sa second and third base tapos nilagay nila doon ang miyembro ng Hiraya na may kasamang pictures natin, nagulat nga rin kami." sabi ni Carla

Lumapit siya sa kay Anna na nasa counter ngumiti si Anna habang inaabot ang isang laminated na papel kay Vida. Tinanggap niya ito at binasa.

Hiraya Resident's Rules and Regulation

1. It is mandatory that atleast one family member will be working to get their food shares and a nice shelter

2. Must obey the Leader's Orders

"Sino nagsulat nito?" Pagtatanong ni Vida

"Ayan ang napag usapan ng mga survivors kasama ang mga nasa third base" sagot ni Anna napangiti si Vida

"Open the live hologram here and on the third base and oh the speakers" tumango si Vida at agad naman siyang sinunod ni Anna, lahat ay nakatingin sa malaking hologram na lumutang sa loob ng second and third base. Manghang mangha sila sa kagandahan ni Vida

"Ehem ehem"

"First of all good morning everyone, ilang araw na rin nakalipas simula ng mag umpisa ang bangungot and i want to congratulate y'all for being alive until today. May mga nawala man na mahal natin sa buhay pero lalaban pa rin tayo hanggang sa mga susunod na araw" panimula niya naging emosyonal naman ang lahat sa mga sinabi niya "Maraming salamat sa cooperation niyo at naisipan niyo pang gumawa ng rules. Ifafinalize ko ang mga ito kasama ng mga miyembro ng hiraya. Gusto ko lang malaman niyo ngayon palang na hindi ako mabait so manage your expectations towards me. For those person na interested mag train para lumaban at tumulong sa mga gawain sa ating base ay lumapit lamang kayo kay Anna para sa second base at Belle para sa third base. Ayan lang muna ang masasabi ko sa ngayon"

Nagulat siya ng pinalakpakan siya ng mga tao, nginitian niya lamang ang mga ito. Nilapitan siya ni Leia.

"Vida gusto kang makausap ni General Isaiah"

"Sure take them to the MR2"

Katapat ngayon ni Vida ang isang middle aged man na General habang ang mga tauhan niya na may hawak pa ring baril ay nakatayo sa likuran niya at ang iba ay nasa labas. Ang tanging kasama lamang ni Vida sa MR2 ay si Gio, Tessa, Ezra at Leia dahil ang iba ay nagtatrabaho

"Long time no see Tito, ano ang gusto mong pag usapan?"

"Call me General I'm on my uniform" seryosong sabi nito natawa naman si Vida sa reaction niya

BALAKID : Imperilment Of The SpheresWhere stories live. Discover now