Kabanata XII

43 7 3
                                    

#BIOTSChaos

"Andaya! lagi nalang akong talo! Nagusap usap kayo noh!" Pagrereklamo ni Ran ng matalo sa uno

"Ayan napapala ng mayabang sabi sabi ka pa kanina na wala pang nakakatalo sayo" Tinarayan pa siya ni Leia

"Sino ba kasi ang kalaban mo pre bakit lagi ka palaging panalo noon?" Tanong ni Gio habang nagbubuo ng rubics cube

"Yung bot, sa cellphone ako naglalaro eh" tinawanan siya ng mga kasama at binato siya ni Leia ng mga uno cards

Ang lahat ay nasa living room ng main base nagpapahinga at kung ano ano ang ginagawa upang magpalipas ng oras. Napagod sila dahil nilinis nila yung buong area kung saan ang sentro ng balakid wave kahapon.

Gamit ang mga mini robot na gawa ni Fritz at Harry, mabilis nilang nalinis ang mga abo mula sa mga balakid na sinunog nila at ang mall. Nirepair rin nila ang buong lugar para gawing base

"Charlie, Delta, Echo will be on board kay Manawari. Alpha, Bravo, Foxtrot sa bus tayo, ako magdadrive" nagtataka ang lahat sa biglang pagbasag ni Vida sa katahimikan may subo subo pa siyang chocolate lollilop

[Ang hilig mo talaga mag skip ng parts, bakit dumiretso ka agad diyan]

Bigla ko lang naisip eh

"Lilibutin natin ang buong syudad bago ang buong region. Hahanap tayo ng stocks, supplies and survivors. And if possible new information sa balakid and clue about sa cure. Ayon kay Tessa mayroong three types ng balakid, may isa pa tayong di naeencounter at hindi natin alam kung gaano yun kalakas" seryosong sabi nito at sumubo muli ng lollipop napalunok ng laway ang iba at kinabahan

"Oh come on, may nga high advanced at high tech tayong gamit oh matatalo natin sila" pagcomfort ni Kenji sa mga kasama

"Mahirap kalaban ang mga hybrid balakid" sabi ni Tessa na mas nagpakaba sakanila

"Well i just want to remind y'all to not let your guard down, thanks to the expert stones kaya tayo nakakalaban till now. Pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future kaya mas mabuti ng mag-ingat. But I didn't say na magpapatalo tayo, I'll know tayo ang magwawagi hanggang dulo" dagdag ni Vida, tumayo siya at lumapit sa pinto

"Matutulog na ako, Goodnight and have a sweetdreams everyone" kumindat pa siya sakanila bago sinubo muli ang chocolate lollipop, natuwa at gumaan ang pakiramdam ng iba habang si Gio naman ay napangiwi

"Iww, cringe, layas!" She sticks her tounge out bago tuluyang umalis

"Ang batang iyon talaga, hindi mabasa kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan." Napapailing pero nakangiting sabi ni Ted, sinangayunan siya ng mga kasama

"Kenji walang mali sa sinabi mo ah, kilala niyo naman ang ugali ni Vida. Maaaring kinakabahan lang siya sa ating makakalaban" sabi ni Gio at tinapik pa ang balikat ni Kenji, tinanguan naman siya nito "Naiintindihan ko pre"

"Mabuti sigurong matulog na rin tayo, sabi niyo nga kilala na natin si Vida" panimula ni Mateo "Magbubuga ng apoy yun kapag nalate tayo bukas!" Pananakot niya sa mga kasama kaya naman dali dali silang lumabas ng living room at nagsipuntahan sa mga kwarto nila

Kinabukasan naglalakad habang nagtataka si Vida papunta sa pwesto niya ng makitang kumpleto na agad ang mga kasama niya sa dining area

"Bakit parang may something?" Nginitian lamang siya ng mga kasama

[Meron, late ka]

So what?

[Ayaw mo silang nalalate kasi di ka marunong maghintay, tapos malalate ka!]

BALAKID : Imperilment Of The SpheresOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz