Kabanata XI

48 7 6
                                    

#BIOTSBalakidWave

Isang linggo na ang lumipas noong nagsimula ang bangungot, kumakain ang lahat sa kabilang base kasama ang mga survivors. Binigyan rin sila ng anti-balakid clothes, gloves, mask, earpiece, smart watch at upgraded gun

Si Mateo ang naka assign na maging doctor sa base na yun, habang si Abi naman ang nurse na kasama niya. Si Kenji, Enzo at Yael naman ang patrolling guards ng base. Katulong naman ni Ran si Mang Ted at Carla sa kusina. Si Anna at Belle ang nakaassign sa pagmononitor ng mga titira at mga kagamitan sa base two.

Sa tulong ni Gio, Tessa, Cyrus, Zane at mga AI ay natuto makipaglaban kahit papaano ang mga survivors. Naging ayos naman si Hope at marunong ng makisama, sa loob ng tatlong araw na nagsama sama sila. Nabigla sila na magaling pala magarchery ang batang babae, kaya pinagtuonan siya ng pansin ni Tessa.

Pero mas nagulat sila ng malaman na tatay niya pala si kalbo, ang leader ng Sinag. At sapilitan nilang pinakain ng expert stone si Hope, matalino ang bata para magpanggap siyang walang expertise skill kaya daw siya tinali ng tatay niya. Hindi niya alam kung asan ang nanay niya dahil wala daw pinakilala sakanya ang tatay niya. Naduplicate rin ni Vida ang skill ng bata kung saan sobrang galing nito sa arrow shooting at may kakaibang katalinuhan, maski ang skill ng iba ay nakopya rin niya dahil malaki ang tiwala nila sakanya.

"Thank you for the food Ran" tumayo si Vida sa upuan niya at akmang tatayo na ng bigla silang lahat makaramdam na parang na-ground ang mga katawan nila, natumba naman silang lahat

System what's happening!? Ano tong nararamdaman namin?

[Balakid Wave, nangyayari ito kapag may higher evolved balakid ang nagmamanipulate sa mga normal na balakid. Nagiging two times aggressive sila at gumagana ang five senses nila. Naramdaman niyo ito dahil mga experts kayo at nasa loob kayo ng balakid dome]

Ano!? Ano naman ang dome na yan?

[Tuwing nangyayari ang wave sakop lang nito ang specific area na kasing laki ng moa arena. Kapag lumagpas ka sa sakop ng dome maliligtas ka pero impossible dahil sensitibo lahat ng senses ng balakid at paniguradong may mga balakid rin sa labas ng dome]

Ano yung dapat gawin para mahinto ito?

[You have two options you need to kill all balakid inside the dome or kill the higher evolved balakid, they're five times stronger than the normal one and the wave makes them more stronger]

Okay noted thank you

"Pinuno, masama ang kutob ko, sobrang kabog ng dibdib ko nararamdaman ko na napakamaraming balakid ang papunta sa direksyon ng mall noong nakaraan" nabahala naman sila sa sinabi ni Leia

"Pare parehas ba tayo ng naramdaman?" Pagtatanong ni Gio

"Tessa familiar ka ba sa wave?" Pagtatanong ni Vida, napaisip naman siya at tumango tango "Ah! Yung balakid wave? Naranasan ko yan noon"

"Nangyayari ang balakid wave kapag may higher evolved balakid ang nagmamanipulate sa mga normal lang na balakid. Ito yung sinasabi ko sainyo na may kakahayang magsalita" lahat naman ay kabadong nakikinig kay Tessa, pinaalam niya ang kwento niya sa mga bagong kasamahan nila dahil miyembro na rin sila ng Hiraya, at nagkasundo sila na bawal na ikwento sa iba hanggang hindi sinasabi ni Vida

"Pero bakit mo natanong? Wait don't tell me!" Tumango si Vida sakanya na ikabigla naman niya

"May rason bakit tayo nakaramdam ng ganon." Lahat naman ay nakaabang sa sasabihin niya "Dahil experts tayo na nasa loob tayo ng balakid dome, specific area ng mga affected sa manipulation ng higher evolved balakid." Nabigla naman silang lahat

BALAKID : Imperilment Of The SpheresWhere stories live. Discover now