Kabanata XIII

42 7 3
                                    

#BIOTSUnexpected

Sa mahigit bente na bihag, ang tanging natira lamang ay kinse. Dinali nila ito sa second base nila na konektado sa main base. Gumawa na rin sila ng third base na konektado naman sa second base incase mapuno ang second base

Hirap pa silang kausapin sa una pero sa pamamagitan ng mga special effects ng gamot ni Ice at luto ni Ran gumaan ang kanilang pakiramdam

Kasalukuyang nasa MR2 ang mga miyembro ng Hiraya, ang meeting room nila sa underground

"Wait sandali teka lang" bungad ni Vida

[What are you doing? Aware ka ba na sinabihan mo sila na maghintay in three different ways]

Yeah yeah i know sho shoo!

"Oh kalmahan mo, masyado atang gulong gulo ang utak mo ah" sabi ni Gio

"Alright! Kenji, Enzo, Yael as usual palitan kayo sa pagpapatrol but this time, kayong bahala kung sino ang magpapahinga, magpapatrol at sasama sa pagligtas ng survivors ng Marahaya." Tumango naman ang tatlo "Ako si Gio at si Tessa ang pupunta sa Marahuyo para mag investigate, since di natin alam kung anong rason bakit kahit high advanced na ang mga gamit natin rito ay wala tayong mahack kahit isa sa Marahuyo, may something suspicious na nangyayari" dagdag niya na sinangayunan nila

"I will assign Leia as the temporary leader habang wala ako, ikaw na bahala kung sino iaassign mong rumunda araw araw. Bukas kami ng umaga aalis." sabi niya kay Leia halata naman sa mukha niyang kinabahan siya

"N-noted Leader!" Tinapik tapik pa siya ni Ran upang kumalma siya pero tinaboy niya ito, umasta namang nalungkot ang binata

"Sandali lang bakit naman parang ilang araw kayo mawawala, alalahanin mo couz ang sabi mo magiimbestiga lang kayo diba?" Hindi makatingin si Vida kay Ice, kaya kumunot ang noo nito

"VIDA!"

"Ate Ice, oo na po babalik kami as soon as possible, we will update you and you should update us too" sabi nito habang nakasakay na sa driver's seat ng van, madaling araw nga sila aalis

"Siguraduhin mo lang babaita sino nalang ang gagamot sayo na wala ako sa tabi mo?" Pag-aalala nito

"Ano ka ba ate, I'm a bdo you know, I find ways" kumindat pa ito bago kumaway at sinarado ang bintana, napahimas nalang ng noo si Ice. Kumaway ang mga kasama nila sakanila, nagumpisa ng umandar ang sasakyan

Sumubo ng chocolate lollipop si Vida, si Tessa at Gio naman ay hayahay ang buhay sa likod na nakahiga sa magkaibang upuan

"Sure bang magiimbestiga lang tayo?" Paninigurado ni Tessa, tinanggal niya ang lollipop sa kanyang bibig

"Syempre" sagot niya rito "Atsaka makikipaglaban syempre" sabay ngisi nito at sinubo uli ang lollipop ngunit tumalsik ito at napapreno siya bigla

Nahulog si Tessa sa upuan habang si Gio ay nakontrol ang sariling hindi malaglag. Galit na humarap sa likuran si Vida

"ANO BA! YUNG LOLLIPOP KO!" sigaw nito kay Gio

[Lollipop talaga ang concern mo?]

Aba syempre sayang eh, chocolate flavor pa naman

"GUSTO MO BA TAYONG MAKASAGA O GUSTO MONG BUMABA AT IPAFIESTA NALANG KITA SA BALAKID!?" dagdag nito

"SABI KO NA NGA BA EH! GUSTO MO NG GULO AKALA KO BA IMBESTIGA LANG!?" sigaw nito pabalik

BALAKID : Imperilment Of The SpheresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon