Kabanata XV

45 6 3
                                    

#BIOTSSacrifice

"What happen?" Bungad ni Leia sa tawag ni Gio, may kutob agad siyang may kakaiba dahil kakatawag lang nila kani kanina

"Asan ang iba?" Pagtatanong ni Tessa

"Nag aasikaso ng mga survivors, stocks and supplies na nahanap nila ate Daisy, wait" pinindot ni Leia ang yellow button at nag leave ng voice message "Everyone, gather at the MR1, asap"

Mabilis na kumilos ang lahat ng nakarinig ng mensahe, pinaubaya muna nila sa mga AI robots ang daang daang bisita nila. Di nagtagal ay nakumpleto rin sila sa loob ng meeting room

"Leia, any updates?"

"Mayroong nahanap na 214 vistors sila ate Daisy at lahat sila ay nagrereside na sa second base natin. May iilang experts sakanila and gusto ka nilang makilala, bilang leader ng Hiraya. Isa na don ang isang general. Marami ring nadagdag na stocks and supplies satin dahil ang ibang dala ng mga survivors ay ibinigay satin" napapatango tango nalang si Vida sa sinabi niya

"Good to hear, by the way we need your help here," panimula niya "Nahanap na namin ang pinaka main base ng Sinag and to our surprise the mastermind is Karen and her Dad"

"What!? Sinasabi ko na nga ba! Napakasama ng ugali niya!" galit na sabi ni Leia

"Something seems wrong though, nararamdaman ko na parang labag sa loob niya, especially yung mga tingin niya habang nilalagay si Francis sa cage of death kung saan maraming balakid sa ibaba"

"Francis..."

"Alam kong mabait ka Vida pero hindi mo dapat palagpasin ang kasamaan ni Karen"

"Hindi ako mabait Leia, at alam ko anong ginagawa ko. I'll know tomorrow if isa ba talaga siya sa mastermind or not" di na nakasagot si Leia

"Anyways bukas ng umaga magpapanggap akong nanghihingi ng tulong para iligtas nila tulad sa ginawa nilang bihag. Magdidisguise ako and incase na marecognize ako ni Karen. It's either magpapanggap siyang di ako kilala or igagrab niya opportunity para pahirapan ako. Basta ang mahalaga is mapatay ko ang mastermind at masikot ang buong base para alam niyo kung paano niyo mapapatakas ang mga bihag."

"Siguro ka ba sa gagawin mo? Masyadong delikado diba, ito na yun oh mastermind na ng mga nakalaban natin noong nakaraan" sabi ni Gio

"Wag ka mag-alala desidido na ako, anyways andyan naman kayo kaya wala ako dapat ikabahala."

Pagtapos ng paghahanda ay walang sinayang na oras ang hiraya at agad na kumilos.

Kinabukasan, nagulat sila sa rebelasyon tungkol sa tatay ni Karen. Noong nalaman nila ang pasikot sikot sa main base ng Sinag sa pamamagitan ng tulong ni Karen, ay agad nagplano si Leia kung paano nila maililigtas ang mga bihag.

Hindi pa sumasapit ang hapon ay tahimik silang kumilos. Tahimik nilang sinugod ang pinakabase ng Sinag at pinatumba nila ang daang daang miyembro nito. Na hindi sila nahuhuli ng tatay ni Karen, dahil alam nilang hindi ito basta basta kung siya ay ang pinaka mastermind ng kasamaan.

"Vida is in danger!" Anunsyo ni Daisy na ikinagulat nilang lahat, napansin nilang nag biblink ang pulang dot sa name ni Vida

"Liam, Cyrus back-upan niyo si Vida, nasa cage of death sila!" Utos ni Leia na agad sinunod ng dalawa

"Kung papatayin niyo lang rin naman ako, uunahin ko na ang mga bwiset na toh!" Sabi niya at pinindot ang remote

"Wag!"

BALAKID : Imperilment Of The SpheresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon