Kabanata VIII

46 8 2
                                    

#BIOTSExplosion

Nang sumikat ang araw ang lahat ay maaga paring nagsigising kahit puyat at pagkatapos ay dumiretso sa kusina upang kumain ng pinaghanda ni Ran

"Grabe the best talaga ang luto mo Ran" sabi ni Gio

"Salamat pre hilig ko lang talaga magluto mula noong bata pa ako" mapakumbabang sabi ni Ran

"Naiiyak ako, ngayon lang uli ako nakakain ng masarap na pagkain" sabi ni Tessa at nagpanggap pang naiiyak

"Sinabi mo na yan kagabi" sagot ni Ran kay Tessa ngunit di na siya nito pinansin dahil busy na ito sa pagkain

"Couz, I need some new medical equipments" sabi ni Ice "It's either ubos or expired na yung mga gamot, a d if ever nees ko ng nga chemicals panggawa ng gamot" dagdag pa niya

"How's the food stocks Ran?" Uminom muna siya ng tubig bago sumagot

"Masasabi kong tatagal pa sa atin pero naiisip ko na baka kulangin ang stocks na nilagay natin sa kabilang base para sa mahahanap nating survivors" sagot niya naman

"Harry after we eat can you hack the cctvs of a near hospital and mall? And Leia please help Harry find a safe route and if seswertehin baka may mahagip na survivor" tumango ang dalawa

"Noted po ate"

Lumipas ang oras at natapos na silang kumain, may schedule sila kung kailan sila dapat maghugas. After maghugas ng mga pinagkainan at ginamit sa pagluto si Gio, nagpatawag ng emergency meeting si Vida

"Aalis tayo after mag-usap, Ate Daisy will be driving Manawari and Gio will be driving the van, by the way Ate Daisy okay na po ba yung mga upgraded transpo?" Pagtukoy niya sa mga sasakyan na kinuha nila kagabi

"Yes, Liam and the kids help me kaya mabilis natapos ang pag upgrade"

"Harry" tumango naman siya

"Luckily may malapit po na hospital at mall rito, and magkasunod lang po sila. May iilang balakid rin po tayong madadaanan papunta roon. May iilang tao akong nasagip sa parking lot ng mall and look ate" pinakita niya sa mga kasama ang screen "May mga taong tumatakbo pataas sa hagdan ng hospital siguro aakyat po sila sa rooftop"

"Thank you Harry, good job" nginitian ni Vida si Harry at sinuklian niya rin ito ng ngiti

"Ate Daisy, Liam, Harry and Fritz will be the look out from the above. Ate Ice, Ran and Leia ang pupunta sa hospital. Gio, Tessa and me ang kukuha ng mga kakailanganin sa mall lalo na ang pagkain" sabi niya "Harry ilan yung mga taong nakita mo?"

"Lima po sa parking lot and anim po yung sa rooftop" sagot nito "Pero ate wala po akong napansin na balakid sa parking lot at puro mga bangkay lang nakikita ko may parang something na nangyayari" nakakunot pa ang mga noo nito at nagtataka tinanguan siya ni Vida

"We'll check it later, everyone get ready in a minute aalis na tayo. Sa aircraft isasakay ang mga survivors kaya pakiready ang mga rope ladder kapag na kay Manawari na kayo."

Tumayo silang lahat at sinuot ang kanilang mga gloves and mask, sabay sabay silang pumunta sa underground garage

Si Daisy at Liam ang nagpapaandar kay Manawari habang si Harry at Fritz ang kasalukuyang naka assign sa long range shooting dahil sinama ni Vida si Tessa para maging frontliner at nakasakay ang dalawa sa motor. Si Gio naman ang nagdadrive ng van sakay si Ice, Leia and Ran

BALAKID : Imperilment Of The SpheresWhere stories live. Discover now