Kabanata IV

54 8 8
                                    

#BIOTSExpertStones

"Ano ng plano?" pagtatanong ni Vryan sa mga kasama

"Punta tayo sa bahay ko" biglang sabi ni Vida na naging dahilan para pagtinginan siya ng mga kasama

"What!? Akala ko ba need natin kumuha ng food and supplies? Why sa house niyo pupunta?" Agad na reklamo ni Karen "You're so selfish Vida, bakit ikaw lang ba ang may pamilya?" Dagdag pa niya tila naman natahimik ang lahat

"Una sa lahat hindi ko naman sinabing dapat sumama kayo, it will be your decision. Pangalawa, mayroong food and supplies sa storage room namin. And mayroon ring nakatagong maraming weapons sa basement" kalmadong sagot niya, nginisian naman siya ni Karen

"Why would we believe you? Mamaya habang papunta sa bahay niyo makain tayo ng balakid. And may weapons sainyo? Unbelievable, sinong minor ang magkakaroon ng mga weapons sa bahay? Balak mo bang ipahamak ang aming life?" Sabi ni Karen

"Makapagreklamo akala naman laki ng inambag niya sa grupo" bulong naman ni Leia na sadyang ipinarinig kay Karen, akmang papatulan siya nito ng pinigilan siya ni Althea

"Sabihin na nga nating may supplies at weapons sainyo and alam kong malaki ang naitulong mo sa amin Vida mula pa kanina" panimula ni Althea "Pero paumanhin hindi ata ako sasama papunta sainyo, may mga pamilya rin kami at nag-aalala rin kami sakanila. Mas mabuti siguro maghiwa hiwalay nalang tayo, malapit lang ang bahay ko rito kaya kahit ihatid niyo nalang ako. Isasama ko si Karen dahil sa pagkakaalam ko magkikita ang mga magulang namin ngayon sa bahay" sabi ni Althea, tinanguan naman siya ni Vida nakita niya pa ang pag ngisi ni Karen

"Naiintindihan ko"

Nahati ang grupo, Sila Karen, Althea, Rose, Francis at Vryan ang nagkasundong magsama sama at pumunta muna sa bahay nila Althea

Nais naman sumama nila Gio, Ran, Leia at Liam kay Vida sa kadahilanang gusto nila mapasabak sa labanan

Sobrang gulo ng daanan, may ilang bahay ang nasusunog. May mga nakakalat na sasakyan rin sa kalsada at ang iba ay nag aapoy pa. May nakakasalubong rin silang balakid, buti nalang mga normal lang ito, kaya kayang kaya barilin at sagasaan. Hindi nagtagal hininto ni Gio ang school bus.

"Maraming salamat sainyo, dito nalang kami" pamamaalam ni Althea at ang lima ay nakaabang ng bumaba

"Mag-iingat kayo, nawa'y magkita tayong muli" sabi naman ni Vida sakanila

Bumaba ang lima at dahan dahang naglakad papasok ng gate, hinintay ng grupo nila Vida silang ligtas na makapasok bago umalis

Habang nasa biyahe nakakapagtakang walang balakid na makikita sa kalsada, ngunit gaya kanina may ilang sasakyan ang nakaharang sa daanan, may ibang nakatumba at ang iba naman ay kung saan saan nag crash

May iilang bangkay rin ang nakikita sa paligid, nakakapagtaka kung bakit hindi sila naging balakid

Nagulat ang lahat ng biglang may tumunog na phone, agad na kinuha ni Vida ang kanyang cellphone sa bulsa ng palda ng uniform

"I-speaker mo makikichismis ako!" sigaw ni Gio mula sa driver's seat ang lahat naman ay taimtim na nakikinig

"Hello! Ate Vida!?" Bungad ng isang babae sa tawag

"Fritz! How come na nakakatawag ka pa sakin?"

"Wow ah ayan talaga bungad mo couz? Hindi mo man lang itatanong kung asan ako? Or kamusta man lang si Fritz?" Ibang boses ng babae naman ang nagsalita

"Should i? Sa energy ng boses niyo na yan nakakapagtaka kapag sinabi niyong naging balakid kayo. Anyways just get straight to the point, Ate Ice, kanina pa walang signal ang cellphone namin ng mga kasama ko, even the internet is shut down. Lahat kami ay nagtataka pano kayo nakakatawag sakin ngayon"

BALAKID : Imperilment Of The SpheresWhere stories live. Discover now