02

863 31 3
                                    

June

Hala, be, sorry!
Adi sorry,
Adi sorry, 'di ko talaga sinasadya,
Kasalanan ko, sorry talaga,

Sumubok akong bumuo ng mga salita havang nakaupo sa labas ng clinic at hinihintay ang paglabas ni Adi.

Dahil sa kabang nararamdaman ko, hindi ako makakilos ng maayos o makapag-isip man lang nang sasabihin ko sa kaniya.

Para bang tumilapon ang puso ko sa aking dibdib nang bumukas ang pintuan ng clinic.

"Salamat po," dinig kong sabi ni Adi sa nurse bago niya isara ang pinto.

May bandage na nakalagay sa kaniyang ilong at para bang naluluha ang mga mata niya.

Agad akong napatayo at lumapit sa kaniya, pero gaya ng hangin, hindi niya ako napansin.

"Adi!" pagtawag ko sa kaniya nang makalayo na siyang halos sampung hakbang sa akin. Hindi niya ako nilingon at nang tawagin ko siyang muli ay napahinto siya sa paglalakad.

"Ayokong marinig ang sorry mo." malamig niyang binitawan and mga salita.

Binilisan ko ang aking paglalakd bago pa siya tuluyang makalayo. "Can I at least make it up to you?"

Hindi niya na ako muling nilingon. Sa pagkadesperado kong habulin siya ay narinig ko ang sigaw sa aking pangalan mula sa pamilyar na boses.

"Chin!" pagtawag sa akin ni Riley. Lumanghap siya ng ilang bese para habulin ang kaniyang hininga sa pagtakbo bago niya ihatid ang dapat siyang sabihin. "You got in!"

"Talaga!?" tumalon kaming pareho sa tuwa.

Muli kong ibinaling ang tingin kay Adi pero paglingon ko ay wala na siya sa hallway.

Gusto ko lang naman ng mapayapang taon dito sa bagong university na pinasukan ko pero mukhang napasama at napaaway pa ako.

Dahil sa hindi matahimik ang konsensya ko, mas inagahan ko ngayon pumasok, nagbabakasakali na maabutan ko siya sa gate.

Pero tumunog na ang bell ay hindi ko pa rin siya nakakasalubong. Hindi ko alam kung sa ibang gate ba siya dumaan o mas maaga pa siyang nakarating sa akin.

Nagpasama ako kay Eli na dumaan sa floor building ng mga STEM para talagang makasalubong ko na siya.

At ganoon nga ang nangyari, kasama niya sila Vince at Cael na papunta ngayon sa cafeteria sa baba.

"Adi, gusto ko lang talaga humingi ng sorry sa nangyari,"

Ngunit gaya ng sabi niya, hindi niya kailangan ang sorry ko. Kaya dinaanan lang akong muli na parang hangin. Palihim namang bumungisngis itong si Vince saka ako umba ng suntok sa hangin para sa kaniya.

Sa sumunod na araw, nadatnan naman namin siya ni Mauv sa library. Pakunwari akong may binabasang libro at umupo sa pinakamalapit na table sa kaniya.

"Sttt," pagtawag ko. Napalingon siya sa aking gawi at doon ko tuluyang napansin na nawala na ang pamamaga ng kaniyang ilong.

He just snobbed me and turned down the texbook he is reading before he left.

Siguro nga hindi big deal sa kaniya iyon at masyado lang akong OA, o 'di kaya malalim na ang galit niya na halos kaya niya na akong ilibing. Pero isa lang ang sigarado ako, wala akong magagawa kung ganoon ang gusto niyang mangyari.

The following weeks, I tried to give focus into volleyball and just ignore everythong that happened.

Pero kahit anong lawak ng campus, talagang nagsasalubong kami.

Papunta na ako sa cafeteria nang mapadaan ako sa harap niya. Halos bumigat ang katawan ko sa pagpigil na mabunggo ang hawak-hawak niyang tray.

"Tsk," his tounge clicks and made annoying face from my apperance. "Bakit ba lagi kang sunod nang sunod?" mababa ang kaniyang boses pero ramdam ko ang kaniyang pagka-irita.

"Luh? Hindi kaya, may bibilhin lang talaga ak-"

Nagpatuloy siya sa paglalakad bago pa man ako matapos magsalita.

"Hmmp, sungit! 'e 'di don't! Hindi ka naman talaga nakikinig sa explanation ng iba!" hindi ko alam kung narinig niya iyon, pero tiyak akong narinig ng mga katabi ko sa pila.

Sa pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko ang mga binili na ulam ni Mama sa labas. Dahil sa adjustments ng bagong work niya ngayon, late na siyang nakakauwi at wala ng time pra makapagluto.

Kumain na muna ako bago ako pumunta sa kuwarto ko.

"Kumusta ang school?" tanong niya habang kinukuha ang tubig sa ref.

"Okay lang, naninibago pa rin," sago ko at patuloy pa rin sa pagnguya.

"Don't tell me naglalaro ka pa rin?" napatingin siya sa suot kong knee pads.

Hindi ko siya nilingon dahil alam kong hahaba na namang ang diskusyon namin dito. Nagmadali akong maghugas ng pinggan at pumasok sa kuwarto.

Sa lahat ng gusto ko, ito yung madalas na hindi gusto ni Mama. I always love playing, but she always thinks that volleyball is only a distraction. That's why I disgree to her.

After taking shower, my phone just rang and it was a call from Ate Celine.

[So, how's the uni?]

"Ang daming ganap!" I said exaggerating. Sunod kong ikiniwento na nakapasok ako sa volleyball team pero hindi pa actual player. Saka ko naman ikinuwento ang nangyari ni Adi.

[Pogi?] iyon agad ang bungad niya pagkatapos kong maikwento ang lahat sa kaniya.

"Ate!" pagka-irita ko.

[Hmm, pogi nga,] she got that quick. [So, may crush ka na agad?] dinig ko ang kilig sa kaniyang pagtawa.

"Bye, good night!" I rolled my eyes.

[Paki-kumusta ako kay Mama,] tumango ako sa kaniyang bilin, [saka kay Adi, na added na sa 99+ crushes mo] ito ang huling sinabi niya bago ko tuluyang itinigil ang pagtawag namin.

But the night is still long and I can't sleep. Sumunod na ang mga chat ni Ate sa akin.

[Ano name niya sa fb]
[Daliii]

Pero hindi ko alam kung ano talaga ang name niya sa Facebook kaya sinubukan ko siyang hanapin. Dahil friend ko na si Vince, sinubkan kong tingnan mga photos niya. Pero kahit meron silang mga photos ni Adi, hindi siya naka-tagged. There are photos of him on the beach with them, while some are from unfamiliar places.

Then, I realized looking on Instagram. And he finally have an account— and it's private.

Kinabukasan, habang sinasamahan ko si Mauv na humiram ng libro sa library, doon ko muling nasilayan si Adi.

I know how risky it is to take a stolen photo of him, especially in place like this, so I was careful.

Mula sa akong bulsa, inilabas ko ng palihim ang akong phone. Lumapit ako ng kaunti kay Adi at sa pagpindot ko ng capture, I GOT CAUGHT.

My dumb ass didn't check that the camera flash is automated. Napalingon ang mga estudyanteng nasilaw sa flash at doon nagtagpo ang tingin niya sa akin.

Ramdam ko ang bigat ng hakbang niya na unti-unting lumalapit tungo sa akin.

"Are you stealing photos of me?" his cold distant voice whispered inside me like knives.

Hindi ko siya nilingon at itinuon ko ang pansi sa librong nasa harap ko.

"You're so obvious," bigla niyang tinangka na hablutin ang phone ko ngunit mas mabilis akong nakaiwas.

Sa kahihiyaan ay tumakbo na lang ako at iniwan si Mauv.

Hindi ko na alam kung papaano ako papasok bukas, o kaya kung papaano ko pang magawang humarap sa kaniya kung sakaling magtagpo ulit kami.

Paramours of Spring (Youthful Series 4)Where stories live. Discover now