04

862 29 3
                                    

November

Mula sa mga narinig ko, Vince is really an excellent student.

Simula grade school hanggang ngayon, he maintains being with the highest honor. He's a student staff in the university paper, member of different school club organizations, he's also volunteering from different university activities, and has countless of extracurriculars. In short, all of his time is spent academics.

I was shocked to actually here it from Vince, especially of how consistent he is from all the workloads that he has. May time pa ba siyang gawin yung mga bagay na gusto niya maliban sa academic related?

But I was even more shocked when I realized na kailangan ko siyang ligawan. I have to have his big 'yes' to help me from studying. Baka siya na lang talaga ang malalapitan ko para matulungan akong humabol sa classes ko.

"No," I felt the cold voice of Adi pierces in my chest.

Ito ang sagot niya kahit halos hindi pa ako natatapos magsalita na pilitin siyang i-tutor ako.

"I'll pay you, cash, gcash, or to your bank account, basta sabihin mo lang kung magkano-"

"Tsk," he's already irritated. Kinuha niya ang mga libro at notebook na nakapatong sa cemented bench na kinauupuan namin ngayon. Abala siya sa pag-aaral habang ang preskong hangin mula sa puno na kinauupuan namin ang nagpapakalma sa mainit na tanghali.

"Please, please, please-" hinarangan ko siya sa kaniyang dadaanan habang isinusuot ang kaniyang headphones. "Kailangan ko lang makahabol, hindi ko naman kailangan ng mataas na grades. Gusto ko lang matapos yung mga backlogs ko and then tulungan mo akong ipaintindi para makapaglaro pa ako-"

Nilingon niya ako at mistulang numipis ang kaniyang chinitong mga mata. He looks at me for seconds, examining my facial reaction. "I said no, 'wag mo na akong kulitin."

I scoffed from exhaustion. Sa sumunod na araw ay nagpumilit ulit ako. Nahirapan akong hanapin siya sa buong campus dahil alam niyang hahalughugin ko talaga lahat ng parte ng university para lang mapikit ko siya. Pero isang salita lang ang lagi kong natatanggap- No.

"Saan ka galing?" sinalubong ako ni Riley mula sa covered court kung saan kami naka-assigned for training.

"May tinapos lang," nagmadali ako sa paghubag ng uniform ko para makapagbihis sa volleyball uniform na nakapatong sa loob.

Agad na nagtagpo ang mga mata namin ni Bruno at ang mga tingin na iyon ay hindi maganda. Lumapit siya sa akin at tila ba bumibigat ang bawat
hakbang niya tungo sa direksyon ko. "20 minutes ka na namang late, sana hindi ka na sumipot,"

"Sorry po," mahinahon kong sagot. Ito ang bungad lagi ni Bruno sa akin sa tuwing nalalate ako at halos buong linggo na akong ganito. "May tinapos lang po sa class,"

He ignored what I just said and then we continue our training.

Pagdating ko sa bahay ay ginawa ko na lang muna ang assignments ko bago ako kumain at natulog. I felt so drain like my body is giving up. Pero hindi ako paedeng tumigil. Marami pa akong dapat tapusin.

"Bakit hindi ka na lang magpatulong kay Mauv?" Lexi suddenly suggested.

Sabay kaming kumain nila Eli ngayon sa canteen. Napaisip ako dito pero inulit ko lang din ang sagot ko sa kanila.

"Baka busy si Mauv," I was actually shy to ask this favor to him. Mukhang may pinagdadaanan ngayon si Mauv kaya ayokong dumagdag pa. "Saka baka matulungan na rin ako nung kaibigan ni Vince," I told them casually even though it wasn't true.

"Oh- okay, may mga extra notes ako baka gusto mo?" Eli suggested. I just nodded and took some photos of his notes just in case.

I was already exhausted the whole day of studying but the day isn't really over yet. Nagmadali na ulit akong humabol sa training.

Napamura ako nang makita ang oras sa phone ko dahil nakatulog ako sa library. I was already 30 minutes late for our training.

Lalo kong binilisan ang pagtakbo papunta sa court. Para bang sasabog na ang dibdib ko sa parehong pagod, paghihingalo at kaba na nararamdaman ko sa pagsalubong ko sa mga teammates ko.

"Sorry, I'm late- I swear, I won't do it ag-"

"You don't have discipline Chin, you can't attend at the exact time, lagi kang sabaw, at halos hindi mo ma-maintain ang academics mo! This is not the attitude of a volleyball  player that we want here," he took a pause and hesitated for seconds, but he continue  anyway, "maybe you're not for volleyball, so leave." His eyes speaks dominance, an intimidating look of seriousness telling how much he means everything he said.

"Chin," Riley tries to grip my hand but I let go of him. I suddenly felt warm tears shedding from my cheeks.

Kinuha ko ang bag ko at dumeretso agad ako sa restroom malayo sa court. I don't know what to actually feel. My body is not functioning well and my mind is floating from the overload tasks.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking uniform dahil wala akong makuhang tissue. Kasabay nito ay ang pagtawag ko kay Ate pero hindi siya sumasagot.

I just clicked the audio recording and sent my whole rant about what happened.

[Fuck Bruno, fuck my research, fuck minor subjects, fuck late night volleyball training, and fuck my life! Hindi ko na alam gagawin ko Ate, gusto ko na lang magpahinga at matulog at walang gawin dahil pagod na ako buong linggo. Hindi ko pa nakakalahati mga schoolworks ko at marami na namang projects na nakapila. Hindi rin ako makapaglaro ng maayos. Nanghihina na ako. Bakit pa kasi ako lumipat, bakit pa ako sumama kay Mama, please Ate sumagot ka na kapag nareceived mo itong message ko. Uuwi na muna ako.]

Pinunasan ko muli ang mga luha at sipon na naglakalat na sa namumula kong mukha.

Right when I was about to close the door, I hit my head to somebody's chest and screams from ache. "Sorry," I looked up while massaging my forehead and realized it's Adi.

He just stood there in front of me with the same eyes that examine my whole face. It was too late for me to avoid him or to even hide my dirty face.

"Just keep crying," he handed me his light blue handkerchief topped with a plentiful of tissue before he already left.

I wiped my face, still feels like floating, and go home without having any idea what to feel.

Paramours of Spring (Youthful Series 4)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin