10

731 26 0
                                    

Adi

"Okay lang ba kayo?"

Pauwi na kami galing sa recognition program nang tanungin ako ni Vince tungkol kay Chin. Hindi ko alam kung anong tamang salita ang tutugma sa tanong niya. Kaya hindi ko ito sinagot.

Sa mga oras na ito, pilit kong binubura ang mga nangyari bago pa man maganap lahat ng ito.

I did something terrible to him and I don't even think that it was fair. I was selfish and unfair for not being honest.

Ilang araw nang magsimula ang summer vacation, naging routine ko lang ang matulog, kumain, tumulong sa shop, at magbasa. Para bang wala akong gana sa lahat ng bagay.

"May sakit ka ba?" kinapa ni Mama ang noo ko at pinakiramdaman kung mainit nga ba ako. "Bakit ang tamlay mo?" hindi ko sinagot si Mama at bumalik na lang ako sa aking kuwarto.

Minsan, naririnig kong pinag-uusapan nila ako ni Papa. "Okay naman siya ha, pero bakit parang wala siyang lakas kumilos kilos ngayon?" simulang bulungan nila sa sala.

I am staring in the ceiling of my room, analyzing where I what went wrong that day.

Galing sa practice game sila Chin at alam ko ito dahil nagkausap kami kagabi tungkol sa laro nila. Hapon na nang makabalik sila sa campus kaya napag-isipan ko na samahan siyang makauwi dahil pagabi na rin at baka wala siyang kasama.

Habang naghihintay ako sa labas ng court, may mga ibang estudyante na kagagaling lang mula sa loob at malakas ang kanilang tawanan.

"Oo nga 'e, sayang 'yung Chin, gwapo sana kaso," sumunod ulit ang pagtawa nila.

"Siguro nga may crush 'yon doon sa kay Bruno, masyadong pahalata, amoy na amoy," bungisngis pa ng isa.

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng aking bag at madiing inipon doon ang inis na nararamdaman. Para bang gusto ko silang sigawan pero wala akong nagawa.

This is when I realized that Chin was right all along. He didn't want to fully come out from the closet because of these kind of people.

Fuck how ugly this society with their homophobia standards.

Hindi na bago sa aking marinig ang mga salitang kagaya kanina. Kung sa lalaki at babae iyan mababanggit, iba ang magiging kahulugan ng mga salitang 'yan, pero kung sa mga homosexual ito sasabihin, mas masakit yung laman. Kailan pa naging hadlang ang sexuality para maging mabuting tao?

Isa pa itong maduming mentalidad na laging pinapangunahan ng lahat. Malinaw ko pang naaalala ang pag-uusap namin ni Chin noon dito.

"Kapag bakla ka at may kaibigan kang lalaki, ang meaning niyan nancha-chancing ka sa kanila o may gusto ka sa kanila. Sa mata ng marami, wala ng iba pang meaning ang pagkakaibigan niyo kung 'di gan'on."

Chin and I don't actually talk about things like being in a relationship. Maybe it just never crossed in our conversations or maybe we're both avoiding it.

Sumunod na lumabas ang ibang mga volleyball athlete at doon ko na nakasalubong si Chin.

"Stress ka ba sa research nyo?" tugon niya sa itsura ng mukha ko.

Madilim na nang makasakay kami ng bus. Nakaupo siya at nakatayo ako sa kaniyang tabi dahil wala ng bakanteng upuan.

"Dito ka na," pagtutukoy niya sa station na bababaan ko sana. Pero hindi ko siya pinansin at tumuloy lang ako hanngang sa bumaba kami sa station niya.

Sa paglalakad namin papunta sa kanila, patuloy lang siya sa pagkukuwento tungkol sa kanilang training. Masigla siya kahit halos kalahating araw na siyang naglalaro sa court.

Napadaan kami sa isang convenience store at nag-aya siya na bumili kami ng ice cream. Saka kami umupo muna sa isang bench sa tawid lang ng store at natatanaw ang tahimik na kalsada na bibihira lang ang sasakyang dumadaan.

"Chin," I hesitated starting a conversation.

"Mm?" he wipes the ice cream caramel cream from his lips.

I was caught staring at his lips for too long. Suddenly, my heart started racing like it's malfunctioning, not knowing how to slow down or to beat normally.

"May gusto ka ba kay Bruno?"

I am stunned from how the words came out the way that I expected it to be. Fuck. I cursed even loudly inside my head. It wasn't the question I am really asking.

His eyes lowered like it felt sleepy and his cheeks looked softer like what I just said made it warm. His face slowly moves towards mine and right from that moment, I felt the magnet pulling me closer to him and taste his lips.

But I stepped back. "Mauna na ako," I said firmly and left him from that bench alone with his melting ice cream.

Now, I realize that maybe the reason why he didn't want to come out isn't because he was afraid of how people will define him- but it was more because he was comfortable being inside the closet. And when he finally had someone whom he thinks that actually cares to him, I backed out, I panicked, I stepped backwards away from him.

I don't deserve him.

Simula noon ay hindi na kami nagka-usap pa. Nalaman kong ring natalo sila sa laro nila ngayong taon. Buong bakasyon akong hindi mapakali sa kakaisip sa nangyari.

And now I just wish the end of summer will brush up all those memories.

Paramours of Spring (Youthful Series 4)Where stories live. Discover now