11

749 27 0
                                    

July

"Break?" a cold water bottle dampen the back of my neck. I look back and knew who's voice it was.

"Tara," pagsang-ayon ko kay Bruno. Sabay kaming pumunta sa canteen kung saan nauna na ang iba namin teammates.

Kakasimula lang ang year 12 namin kaya hindi pa masyadong mabigat ang mga school works. Mahaba din ang time namin sa training at hindi ganoon nakakapagod. Kung minsan, sabay din kaming gumagawa ng mga projects and works ni Bruno dahil pareho naman kaming late na umuuwi.

Pagdating namin sa canteen ay nakasalubong namin si coach na kakalabas lang din dala ang kaniyang tumbler at isang pirasong papel.

"Sakto, 'o sino sa inyo kukunin kong rep para sa school paper, kailangan daw nila ng mai-interview mamayang hapon," iniabot ni coach ang paper kay Bruno at sumilip ako dito.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang 'to coach? Baka late na balik ko galing sa kabilang campus mamaya 'e," mamaya nga pala magbibigay ng letter si Bruno para sa fair game namin from other university.

"Kung gan'on, 'e bakit hindi na lang si Chin ang pumunta?" napatitig silang dalawa sa akin. Napatango ako nang hindi ko napag-iisipan ng maayos.

Pumasok kami sa canteen at si Bruno ang nag-order ng pagkain namin ngayon. Salitan kasi kami sa pagbili.

"Gusto mo ba pumunta mamaya o may iba kang gagawin?" inihain niya ang tray sa mesa kung saan katapat lang namin sila Riley sa dulo.

"Interview lang naman 'yon 'di ba? Hindi naman siguro mahirap mga tanong nila," iyon ang iniisip ko buong maghapon hanggang sa makarating ako sa office ng university publication.

Kumatok ako sa pinto at naghintay na pagbuksan nang dumating ang isang estudyante rin na papasok ng office.

"Athlete? Anong sports po kayo?" tanong nito sa akin saka niya binuksan ang pinto at pinapasok ako.

"Volley-" bago pa man ako matapos magsalita ay para bang may malaking bato na humarang sa lalamunan ko nang masilayan ang isa sa mga estudyanteng nakaupo sa mahabang nakahilerang lamesa. "Volleyball po,"

"Ah, dito ka kay Adi," banggit niya, dahilan para mapalingon sa aming gawi si Adi na abala sa pagsusulat sa kaniyang yellow pad paper.

His hair is longer since last time I saw him, some strands of it fall gently to his glasses and unto his cheeks. His eyes examine me as I sit in front of him. He lightly smile casually and I smile back, almost whispering a "hi,"

"Hi," he said back and focus to his paper again, "I'll just ask you simple questions regarding to your team, your recent game last school year, and about you,"

The air felt so awkward between us and even if we're just meter away from each other I feel like we're too distant.

"Okay," I nod and hid biting my lower lip.

Palubog na ang araw ng magsimula siyang magtanong. May mga kasama din kaming dalawa pang estudyante sa office pero mukhang patapos na sila.

Mas lalong naging tahimik ang silid nang kami na lang dalawa ang naiwan.

"Things that actually challenged you the most from the last game?"

Napaisip ako ng maiigi sa sasabihin ko. "Actually, I was physically, mentally, and emotionally drained durinng that time because of schoolworks and personal problems. I don't have any actual problem from my team, we bonded well and we communicate clearly every game and training. I think it's all on me."

Hinintay kong makapagtype siya sa kaniyang laptop bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. Nag-ingat ako sa mga salitang binitawan. Hindi ko rin nabanggit na isa siya sa dahiln kung bakit maraming tumatakbo sa isip ko noong mga oras na naglalaro kami.

Paramours of Spring (Youthful Series 4)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt