08

859 27 0
                                    

April

"Nanalo naman kami sa lahat ng laro, kasi pasok na rin kami semis,"

Mahabang kuwento ang ipinaliwanag ko kay Adi habang sabay kaming kumain ng aming lunch pagktapos ng aming vacan time. Hindi ko na siya totally tutor, pero kapag may hinihingi akong oras para turuan niya ako at may oras siyang kayang ibigay ay tinuturuan niya ako.

I handed him a small pack of chocolate that he accepted and we both eat as we walk through the hallway. "So, saan tayo ngayon? Library? Cafe?"

"Saang cafe ba?" tanong niya saka kami lumiko sa kabilang hallway.

"May alam ako kanila Eli, isang train station lang naman 'yon dito," I sounded like tempting him. Gusto ko rin kasing uminom ng anything cold and with caffeine. Dahil dito ay napilit ko siyang sumama. "Sabado naman bukas kaya okay lang naman siguro kahit late tayo umuwi?" He covers my face from annoyance of how bad I forced him to come.

Si Eli ang nagserve ng order namin. Isang iced americano ang kinuha ni Adi, at iced caramel macchiato naman ang sa akin. Ako na rin ang nang libre sa kaniya dahil ako naman may pakana nito.

"Dadaan ba kayo kay Mauv mamaya?" tanong ni Eli, "pwede pasabay na ito?" hindi pa nga kami umo-oo ay iniaabot niya na sa amin ang mga tupperware na may lamang mga ulam. Nagluto na naman pala siya.

Umupo kami kung saan natatanaw namin mula sa malaking salamin ang kabilang kalsada. Hindi naman ganoon kacomplicated yung math problem namin ngayon pero nakatulong pa rin na ipaintindi sa akin ni Adi ito.

"Gusto mo pa bang sumama o mauna ka na?" malinaw kong tinanong sa kaniya. Lubog na rin ang araw pero kailangan ko munang idaan itong pagkain kay Mauv.

"Sasama na ako," sagot niya kaya sabay na kaming sumakay sa tricycle at inihatid na ang pagkaing niluto ni Eli.

Kumatok ako sa pinto ni Mauv pero walang sumasagot. Kaya binuksan ko na lamang ito dahil alam ko naman ang passcode ng kaniyang lock. Wala ngang tao sa loob ng kaniyang kuwarto. Maayos ang lahat ng gamit maliban na lamang sa kama kung saan magulo ang mga unan at kumot.

Saan naman kaya nagpunta si Mauv ng ganitong oras? Habang napapaisip sa tajong na ito ay inilagay ko na muna sa lamesa ang dala naming pagkain.

"What if dito na lang tayo magdinner? If gusto mo lang naman?" saka ko lang narealize ito. Hindi na nag-alinlangan pang tumanggi si Adi.

"Hindi pa ba uuwi si Mauv?" tanon niya at saktong nagmessage sa akin si Mauv na malalate na siyang makauwi.

Tinulungan na ako ni Adi na maghanda sa kakainin namin dalawa. Binuksan ko naman ang TV sa kuwarto at nagplay ng random movie sa Netflix.

"May gagawin ka ba bukas?" Adi asked out of nowhere.

"Wala naman masyado? siguro review lang sa quiz sa Monday, o baka mag-aya maglaro si Riley," halos makalahati na namin ang ulam na luto ni Eli na dapat sana ay para kay Mauv.

Habang patuloy pa rin kami sa pag-aayos ng aming pinagkainan, bigla na lang akong nabilaukan sa pag-inom ng tubig ng bumukas ang pinto.

"Chin? Kanina pa kayo?" sinalubong kami ni Mauv kasama niya ang isang tao sa kaniyang likuran. Napatingin ako at napagtantong si Cael ito.

Parang may kung anong pahiwatig sa kaniyang mga tingin nang titigan niya ako at si Adi simula ng dumating sila.

"Anong meron, bakit magkasama kayo?" bulong na tanong ni Mauv habang si Adi at Cale ay magkausap sa dulo.

"Wala- nagpapatulong ako-" nawalan na ako bigla ng maipapalusot. "Gabi na, siguro uuwi na kami," sa pagmamadali namin ay nakalimutan na naming ipaalala yung ipinabibigay ni Eli, nagmessage na lang ako kung saan ko ito naiwan.

Paramours of Spring (Youthful Series 4)Where stories live. Discover now