15

657 21 0
                                    

Adi

"Accepted ka na?" narealized ni Mama na ang mga pinakita kong email ay mula sa mga universities sa Manila na aking pinasukan. "Congrats, Adi!" sabay nilang bati ni Papa.

Seeing them this happy knowing that their hardships for me are paying off. Every work they made just to give me a comfortable life deserves a large price that I should repay.

"Hinihintay ko pa po ang ibang mga admissions na pinasukan ko, pero kayo po, saan po ba ang gusto niyo sa mga universities dito?"

"Kahit saan anak, kung saan mo mas gusto," itinuob ulit ni Mama ang focus sa pagtatanim sa kaniyang paso habang si Papa naman ang nagluluto.

"Adi, 'wag mo nang isipin yung tuition fee ha?" sabi ni Papa kahit na ang totoo niyan ay susubukan ko pa rin mag-apply ng scholarship.

"Baka si Chin, humingi ka na lang ng suggestion kay Chin baka matulungan ka niya pumili," dagdag pa ni Mama.

Tanging ang hanging dumaan sa amin ang nanatiling ingay na bumalot sa paligid. Naibaling muli sa akin ni Mama ang tingin nang mapagtanto niyang,

"Hindi ba alam ni Chin?"

Napasulyap ako kay Papa na ngayon ay gulat din dito sa tabi ko.

"Hindi ko pa po nasasabi,"

Sa totoo niyan, hindi ko talaga kung papaano sasabihin sa kaniya. Ano bang dapat kong gawin at piliin ngayon kung kahit saang anggulo kong tingnan ay nangangahulugan lamang ito na aalis ako.

I know that Chin would be really happy for me but I don't know how to handle being hundreds kilometers away from him.

Naging busy ako lalo sa finals dahil sa mga school requirements, final exams, research defense, at school paper publication deadline. Samantalang si Chin ay mas lalo ring naging abala sa training nila para sa gaganaping laro next month.

Halos hindi na kami magkita sa campus, madalas hindi na nga, nauuna na akong nakakauwi sa kaniya dahil mas dumadami yung late night training nila.

Today, I decided to wait for him even if it will take too long. I messaged him earlier, though he insisted, I insisted harder.

Nakaupo ako sa bench malapit sa entrance ng covered court kung saan sila nagttraining. Dito na lang ako nagrerevise ng aking mga sinulat sa publication.

Umabot na ang 8 p.m. at nakaramdam na ako ng gutom, paniguradong gutom na rin sila. Naghintay na lang ako at tiniisi ito, sabay na lang kaming kakain ni Chin mamaya dahil may mga madadaanan naman kaming kainan.

Half an hour later when some of the players were leaving the court. Inayos ko ang aking mga gamit at nag-abang na sa pinto. Dumungaw ako sa loob kung saan natatanaw ko si Chin at ang isa pang lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay iyon 'yung kanilang team captain. Dalawa na lang sila sa loob at mukhang patapos na sila sa pag-aayos.

A part of me somewhat feels off after seeing them, like being that close to Chin made me... jealous.

Pagkalabas ni Chin ay nagpaalam na rin yung lalaking kasama niya kanina. Ngumiti ito sa akin at nginitian ko lang din ng pilit.

"Sorry," Chin holds my fingertips and pinches it. "No hugs, ang asim ko na," pagpuna niya.

"Kain tayo?" tanong ko.

"Bakit ganiyan mukha mo? May nakaaway ka ba?" pagpansin niya sa aking ekspresyon.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Paulit-ulit siyang nagtanong hanggang sa malampasan namin ang kabilang building.

"Napagod ka ba kakahintay? Sabi ko kasi sa'yo mauna ka na 'e," malambing niyang tono.

"Hindi naman, madami lang iniisip," I try to hide my emotions to him, but he knows me too well.

"May gusto ka bang sabihin? May problema ba?"

Right at that moment, I quickly ask myself if I should tell him about the university applications. But I hesitated. I dodged the question and we continue finding some place to eat.

When we reached in front of his house, I hold his hand even tighter. "Gusto mo ba magpahinga muna bago ka umalis?" pag-aaysa sa akin ni Chin.

"Hindi na, may mga tatapusin pa ako," I said, still thinking if I should say it now this time. "You should sleep now," I kiss him before leaving.

Aside from this growing cold feeling inside my chest for hiding this important thing to him, I also can't stop thinking about the possibilities of leaving him. What if he'll be closer to other men when I'm gone? What if he grew fonder to them? What if he will like them better than me? What if...

Chin and I doesn't really have this kind of cold space between us not until now. Maybe we're just too busy to confront each other but nonetheless it's also tiring.

"Late ka na? Hinantid mo si Chin?" nadatnan ko si Mama sa sala habang nanunuod ng TV. Tanging ito na lang ang pinagmumulan ng liwanag ngayon dahil naka-off ang mga ilaw. Tumango ako sa kaniya at nagmano saka umupo sa tabi niya. "Kumain na ba kayo?" tumango ulit ako.

I sat there, looking at the television series that she is watching. I wasn't expecting that the burning feeling inside my chest had resulted an urge to travel in my head and tear up from my eyes.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko na para bang alam niya na ang lahat. "Iiyak mo lang 'yan,"

I felt tired and drained from everything and I still don't know what to do.

"Naging disappointment ba ako sa inyo Ma simula pa nang sabihin kong bisexual ako?" my words cuts as it echo from my ears.

"Adi, saan mo naman nakuha 'yan!" she looks at me with frustration.

"Paano kung hindi na lang ako mag-aral?" dagdag ko pa na She sighs and this time she is tearing up too but holding it together. "Of course not,"

"Kahit na sino pa ang magustuhan mo, kahit ano pang university and pasukan mo, at kahit na gawin mo ang ano pang gusto mo, Adi, proud na proud kami sa'yo," mula sa aming likuran ay bigla na lamang sumulpot si Papa.

We never really had this kind of conversation. It made me feel calm for a moment while still thinking about things that I should do.

I realized that my parents will always be here to support me no matter what and that's something that I will never forget a great blessing.

But now, I should think of telling Chin about this because I don't want to lose him. Only if there's another way.

Paramours of Spring (Youthful Series 4)Where stories live. Discover now