17

625 24 0
                                    

May

Ate Celine made our breakfast today. She won't stay until tomorrow so I decided to erase all my plans today so I could have all the time with her.

Nagsimula na rin akong magkwento sa kaniya sa mga nangyari, kahit hindi masiyadong detalyado alam kong naiintindihan niya na rin lahat.

"Chin, you do know na kahit anong gawin mo, kailangan niyo pa ring mag-usap ni Adi," that's her best shot of advice. And I accepted it. I will talk to him.

I promised to her that I'll be back before dinner so we can hang out the whole night but it doesn't really matter to her. What she said was important is for me to handle my current situation.

Paano nga ba? Ano ba ang pwede kong sabihin at gawin? Walang sapat na salita o kilos ang pumapasok sa isip ko ngayon na dapat kong gawin. Parte nang pangangamba ko ay ang hindi mapigilang pag-iisip na baka nga iisang bagay lang ang sosolusyon ng lahat ng ito.

Sa paglabas ko nang bahay ay hindi ko inaasahang makikita ko si Bruno sa harap ng aming pinto. Nakatayo siya habang nakahawak sa kaniyang helmet.

"Chin," pagbati niya.

"Bruno? Anong meron?" halos madulas ang dila ko sa pagkagulat dahil sa hindi pag-aakalang makikita ko siya dito mismo sa harap ng bahay.

"Ibabalik ko lang sana 'to," iniabot niya sa akin ang dalawang notebook na halos nakalimutan ko na ipinahiram ko nga pala sa kaniya.

Nakatayo lang kami at nanatiling tahimik, naghihintay kung ano na ba ang gagawin. Hanggang sa naisipan ko na papasukin siya. "Gusto mo bang pumasok muna?" at tinanggap niya ang imbitasyong ito.

Kumuha ako ng maiinom sa among ref at iniabot sa kaniya. Pagkatapos ay inaya ko siyang pumasok sa kuwarto ko dahil sa boredom naming dalawa sa sala.

"I actually want to talk to you," he said confronting me now.

"Pansin ko nga," pwede naman kasi niyang ibigay titong notebooks na hiniram niya sa akin sa campus pero bakit pa siya pumunta dito. "Anong sasabihin mo?"

"I just feel like I have this baggage inside me for not telling how much I like you before and until now, and I regret from not telling you so,"

This isn't what I was expecting it to be.

"Pero hindi ko sinasabi ito sa'yo para magustuhan mo rin ako, it's just that- I feel so guilty avoiding you whenever we are inside the court,"

"I give you the closure you ever wanted," I smile at him conforming with peace. He smiles back. I suddenly remembers that our next game to regional will be this following week after graduation.

After that, I went straight ahead to Adi's place. Akala ko walang tao sa bahay nila dahil sarado ang pinto pero pinagbuksan ako ni Tita.

"Chin, nasa taas si Adi," nakangiti lang siya sa akin. Ramdam ko na alam nila ang nangyari sa aming dalawa. Nagpasalamat ako bago ako tuluyang umakyat sa taas.

Kinatok ko ang pinto kahit bukas na ito. Malinis ang buong kuwarto ni Adi, maraming kahon sa gilid, wala na ang mga libro niya sa shelves, at kaunti na lang para tuluyan na itong maging bakante.

"Adi," para bang nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko nang makitang nakangiting lumingon sa akin si Adi.

Lumapit ako sa kama na kaniyang kinauupuan.

"So, you're leaving," I started, trying not to breakdown inside.

"I wish not to,"

"Lagi mo nang dream ang makapag-aral doon Adi, ano ba naman yung ilang taon kapalit ng maraming magagandang bagay na pwedeng mangyari sa'yo," I try to cheer him up.

Then I realized about us, but it feels so selfish to ask him to stay. To just say to him that- please, just stay with me, just be here. And I never want to do that.

"Makakaabot ka pa ba sa graduation?" iniiwas ko ang mabibigat na tanong.

"Sandali lang siguro ako kasi 'yon na rin ang araw ng flight ko," paliwanag niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay ng ipatong niya ang kaniyang palad.

"Adi," I look at him and catches him crying and so I did too.

"I'm sorry,"

"Don't be, okay?"

"Love again, meet someone, be genuinely happy," his wishes aches me.

The last time we've met was during the graduation. We both took some photos together. I kiss him from the cheeks before waving at him goodbye.

I always imagine that love is always about being romantic and happy. But sometimes, love has its ways in showing that bad sides, the shadows, the hiding lingering pain of it that will make love even worth meaningful.

Hopefully, one day if we will ever meet again we are better people than we are from now.

Paramours of Spring (Youthful Series 4)Where stories live. Discover now