Chapter 20

227 11 0
                                    

"What made you think that I like Bruce Reidion?"



That was my first question to him. Mas lalo akong umusog palapit sa kaniya hanggang sa dumikit na ang mga binti naming dalawa. Hinawakan ko ang braso niya 'tsaka humilig ako sa kaniyang balikat. He did not move on his seat, he just held my hand and interlocked our fingers. Napanguso naman ako sa ginawa niya para itago ang ngiti ko.



"Despite of what he did to you, you still didn't file a case against him," aniya sa mababang boses.



Tumawa ako at pinaglaruan ang daliri niya. Tiningala ko siya at dinungaw para makita ang reaksyon niya. Nakahalukipkip siya habang nakatitig sa magkahawak-kamay naming dalawa, tinitingnan niya yata kung paano ko paglaruan ang mga daliri niya. Pinisil-pisil ko pa iyon habang pinagmamasdan siya.



"Jaxx, hindi ko siya gusto, okay? Ayokong ipakulong siya dahil nangingibabaw ang kagustuhan ko na baka magbago siya. I know what he did was wrong but, Jaxx.. gusto ko muna makita at malaman kung magbabago ba siya o hindi. I wanted to know if he's really true to his words, I wanted to know if he's sincere. Nang umalis ako sa hospital para pumunta sa industriya, nagkausap kami ni Bruce. He apologized to me and promised that he'll stay away from me. Hindi na raw siya lalapit sa akin, lalayo na siya at tatantanan na niya ako. Gusto ko munang alamin kung tunay siya sa kaniyang salita at kung tutuparin niya ang pangako niya sa akin."



Kung dati, nanginginig ako at nanghihina kung tungkol kay Bruce ang pinag-uusapan. Ngayon naman ay parang wala na lang, parang simple lang ang pinag-uusapan namin ni Jaxx. Gumaan na ang pakiramdam ko kasi may mapagsabihan na ako, kasi handa pala silang pakinggan ako. May mga tao talaga na akala natin na walang pakialam at akala natin na hindi interesadong makinig sa mga problema natin pero nagkakamali tayo. Aquisha never judged me when I told her everything, instead.. she cried on my shoulder and blamed herself because of what happened to me. Kahit sinabi ko naman na wala siyang kasalanan, sinisisi niya pa rin ang sarili niya. At ngayon, si Jaxxon naman ang kausap ko.



"You are the one I like, Jaxx," bulong ko nang walang narinig mula sa kaniya. "I ignored what I feel at first because I thought it was normal but eventually.. I realized that my feelings towards you.. are really different. Gusto kita. Gustong-gusto kita, Jaxx."



He bit his lower lip and stared at me. "Gusto rin kita, Zani, gustong-gusto kita.. higit pa sa inaakala mo."



Inangat ko ang aking kamay upang abutin ang kaniyang pisngi, hinaplos ko siya roon at ngumiti sa kaniya. Nanatiling nakatitig lamang siya sa akin, tinitingnan ang reaksyon ko o 'di kaya'y naghihintay pa ng sasabihin ko sa kaniya.



"You know, I thought at first that you're not a good doctor," nahihiya kong pag-amin sa kaniya nang pumasok iyon sa isipan ko. "A-Akala ko noong una ay pabaya ka at iniisip ko pa noon kung paano ka naging doktor dahil parang hindi mo deserve iyon. I-I am sorry.. I was so judgemental to you."



He chuckled. "That's what you thought about me because you really hated me that time, Zani. Hayaan mo na, naintindihan kita kung iyon ang inaakala mo sa akin."



"Y-Yeah, I hated you because I don't trust men easily even though I have brothers," I stated directly. "I have a high standard, Jaxx. Drake Michael, my first boyfriend and also my first love, was the one who set my standard so high but.. you reached it. A-Akala ko pa nga noong una ay hindi na ako muling magkakagusto sa isang lalaki pero.. nagkamali pala ako."



Naisip ko rin na kailangan ko rin ikuwento sa kaniya ang iba pang tungkol sa buhay ko, hindi lang iyong tungkol kay Bruce. Gusto kong sabihin kay Jaxxon ang lahat-lahat dahil ayokong may nililihim ako sa kaniya, ayokong mayroon pa siyang walang alam sa akin.



Memories Of The Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now