Chapter 51

182 8 0
                                    

Our cats were killed. Rain, Moon, Beam, Sky, Light, and Waves all died. It seems like my world turned into upside-down. I feel so desolate for not having them around.. anymore. When we got home from work, no one's there waiting for us anymore, no one was there to ran after us and tailed us wherever we're inside the house.



Our cats are almost our children, they are our babies. I missed their sweet meows, and their whiskers.. I missed touching it. And.. I missed their hairs on my clothes. I love smelling them, I love hugging them one by one. I have doubts that someone poisoned them because it was impossible that they died for no reason. They are not all sick, si Moon lamang iyon. They are not even old, and they just died. Tapos may lumalabas pang bula sa bibig nila at kay Moon, putol na ang dila, kaya alam kong totoo ang hinala ko. Imposibleng maputol lang ang dila ng pusa nang kusa!



"Kailangan nating malaman kung sino ang naglason sa kanila, Jaxx," malamig kong sabi kay Jaxx kinabukasan. "It's obvious that someone poisoned them! Kailangan nating ipa-blotter ang taong gumawa nito sa mga pusa natin sa police station! This is against the law, Jaxx! This is animal cruelty!"



Halos buong gabi ay wala akong tulog, hindi ako tumatahan dahil hindi ako tinatantanan ng mga iniisip ko. Nilibing ni Jaxx sa likod ng bahay ang mga pusa at wala akong magawa kundi hayaan siya. Lahat siguro kami ay halos walang tulog, Jaxxon is with me in my room. Sina lolo at lola naman ay pumasok sa kanilang silid, halata rin sa kanila na walang tulog kagabi. Nitong umaga na sila siguro nakatulog kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin sila. Anong oras na rin.



"Zan, but we don't have enough proof," marahang sabi ni Jaxx. "Wala tayong mabigat na ibedensya para magsampa ng kaso sa kung sinong gumawa sa mga pusa."



"Pero nakita mo ba iyong kay Moon, ha?! Putol ang dila niya! Fuck!"



Namuo na naman ang mga luha sa aking mga mata nang pumasok sa isipan ko ulit iyong tungkol kay Moon. I wanted to report it! It is really against the law because according to republic act 8485, an animal welfare act, animal control must be done humanely. I will find an enough proof to justify my rights to file a case against those who poisoned our cats. I cannot just let this happen! I fell in love with all of them and then this just suddenly happened?! Hindi puwedeng hayaan ito!



"Hayaan mo na, Zani, wala na tayong magawa," mahinahong sabi ni Jaxx at bumuntonghininga. "Kahit na malaman man natin kung sino ang gumawa niyon sa mga pusa, hindi pa rin naman mababalik ang buhay nila."



"No, Jaxx!" I argued. "We have to know who poisoned our cats! It's our cats, he, she, or they poisoned, Jaxx!" giit ko. "Hindi puwedeng hayaan lang ito, Jaxx! Paano kung gawin din niya o nila ito sa iba pang mga pusa, ha?!"



Jaxxon gently held my arm. "Baby, it was his or her karma if she or he continues poisoning some cats. We can't do anything about it, okay? It's hard for me to accept, Zani, that our cats died but.. we cannot do anything about it because it was already done."



Umiling ako, hindi nagpapatinag. "I want justice for our cats, Jaxx! Kailangan nating i-report ito sa PAWS o 'di kaya sa iba pang puwedeng ipag-report-an para lamang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga pusa natin! Damnit!" Napasabunot na 'ko sa aking buhok dahil sa samu't saring nararamdaman. "Okay.. sabihin na natin na wala lang sa kanila ang mga pusa pero para sa atin naman ay parang anak na natin sila! They are our stress relievers! Tang ina kasi, eh! Inaalagaan natin nang maayos ang mga pusa natin tapos ganito lang ang gagawin sa kanila?!"



Jaxxon and I argued about that matter. Pinilit niya akong pakalmahin at pinapaintindi sa akin na kahit ano man ang gawin namin, hindi pa rin namin maibabalik ang buhay ng mga pusa namin. I am mad at him because he let it slide. Halos buong araw ay ginigiit ko ang kagustuhan ko at hindi magawang maging kalmado, giit ako nang giit sa gusto kong mangyari hanggang sa hindi na ako pinansin ni Jaxx. When the sun goes down, he keeps ignoring my presence. Hindi niya rin ako pinapansin na kanina pang sumusumbat sa kaniya.



Memories Of The Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now