Chapter 50

164 6 0
                                    

Kinatulugan ko na lang ang mga iniisip. Maaga akong gumising kinaumagahan, wala pa yatang bukang-liwayway ay gising na ako, nauna pa akong gumising sa tilaok ng manok. Hindi maganda ang tulog ko dahil sa maraming iniisip. Since I woke up early, I decided to cook.



I still did not know how to cook. Kapag magluto naman ako ay kasama ko dapat si Jaxx, kaming dalawa dapat. Kaso ngayon ay gusto kong bumawi sa naging akto ko kagabi. I felt quite guilty, gusto kong bumawi sa kaniya kahit sa ganito lang.



I decided to cook some frozen foods, hindi kasi ako ganoon kagaling sa pagluluto kaya frozen foods ang inuna ko. I burnt some of the hotdogs and got irritated because of it. Nilagay ko na lang sa plato ang nasunog na hotdogs. The next thing I did, frying some eggs, and cook chorizo. Nasunog din iyon kaso mas okay na kaysa roon sa mga hotdog. The last thing I cook is the sinigang. I am not sure if it tastes good. Basta nanood lang ako sa YouTube kung paano lutuin iyon.



I was full of sweats when lola and lolo woke up. The foods are already prepared on the table. Sumulyap lang doon sina lola bago ako binalingan.



"Nagluto ka, hija?" gulat na sabi ni lolo.



I smiled shyly. "A-Ah.. o-opo.. sumubok lang po akong magluto na ako lang."



Hindi kasi natuloy iyong tuturuan ako ni Cynthxia no'n! Gusto ko pa sanang idagdag iyan kaso pinigilan ko na lang ang sarili at nanatiling ngumiti lamang sa dalawang matandang kaharap ko ngayon.



"Naku, hindi ka na sana nag-abala pa, hija, at may trabaho ka pa naman," si lola. "Pero maraming salamat, hija."



"Uh.." Kumamot-batok ako, medyo nahiya. "Welcome po.. kumain na po kayo. Kukuha lang po ako ng utensils para sa inyo."



I get them the utensils and placed it on the table. Nagpasalamat ulit sa akin ang dalawang matanda at tinikman ang mga niluto ko. Nakangiti ako sa kanila at pareho pa silang nagkatinginan matapos tikman ang luto ko.



"Uhm.." I cleared my throat. "Kumusta po ang luto ko? Lola? Lo?" I asked them.



"Ah!" Tumawa si lola. "A-Ayos naman, hija! Okay naman! Ang mahalaga ay marunong ka nang magluto."



Hindi ko masyadong naintindihan ang punto ni lola. Masarap kaya ang luto ko? O pangit ang lasa? I drifted my eyes to Lolo Zeus. He awkwardly smiled at me before giving me a thumb sign. It means, maayos na ang luto ko! I am sure Jaxxon would love this! Kahit sa paraang ito na lang sana ay makabawi ako sa kaniya.



"Good morning.."



I almost jumped when I heard him out of blue. Nilingon ko siya at ngumiti kaagad sa kaniya. His eyes darted on the foods on the table before he gaze me. I gave him the widest smile I've ever had, proud that I cook the foods.. finally.



"You cook those?" he asked the obvious.



"Yup!" I proudly answered. "Kumain ka na rin, come here.."



Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay, bumaba ang tingin niya roon pero hindi ko pinansin ang naging reaksyon niya at pinaupo lamang siya sa upuan.



"Kain po kayo ng sinigang, lola," sabi ko kay lola nang mapansin na hindi nila ginalaw ang niluto kong sinigang, tinikman lang nila iyon kanina.



"H-Hindi na muna, hija," tanggi ni lola at ngumiti sa akin. "M-May hotdog pa naman kaming kinakain at chorizo."



Tumango ako at umupo sa tabi ni Jaxx. Nakatitig siya sa akin nang nilagyan ko siya ng makakain sa kaniyang plato. Bahagya pa akong natigilan nang maramdaman ang kaniyang mainit na palad sa aking hita. I smiled at him and let his palm there. Nagpatuloy ako sa pagsandok ng kanin at paglagay ng ulam sa kaniyang plato.



Memories Of The Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now