Chapter 30

220 7 0
                                    

"This time I think you need a PA," ang head nang tumawag ito sa akin kinabukasan. "Aquisha Marandaque can't come with you---"



"P-Po?!" Nagulat ako roon. "Bakit naman po?"



This will be the first time that Aki won't come with me without telling me the reason! Imposible naman yata iyon! Bakit walang binanggit si Aki sa 'kin tungkol dito kung ganoon? Tumawag siya sa akin kahapon at iyon din ang huling tawag niya, bukod pa roon ay wala naman siyang text na nagsasabi tungkol sa bagay na ito!



"I will look for your personal assistant. Don't worry about Miss Marandaque. Hindi naman siya namin aalisin sa trabaho, Zani."



"Aki is my manager and she can be my PA at the same time po. Hindi ko po kailangan ng ibang PA," giit ko.



She sighed. "Aquisha won't be around. Hindi rin siya sasama sa 'yo sa Cadiz."



"Bakit daw po? Imposible naman yata iyan, eh. Kahit saan po ako pumunta, sumasama talaga si Aki sa akin, puwera na nga lang kung may mahalaga siyang inaasikaso sa kompaniya nila," I reasoned out.



"She can pay a visit to you," ani ng head at bumuntonghininga. "Pero aniya'y hindi raw muna siya makakasama sa 'yo at sa pag-alis mo papunta sa Cadiz Viejo."



I sighed. I have no choice but to nod slowly. Why Aquisha can't come with me? Siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko ng lubos, eh!



"Uh.. I prefer Elizabeth than anyone else po---"



"Elizabeth is coming with you since she's your make-up artist. Mas kailangan mo pa rin ng PA para mayroong magse-set ng schedule mo at makakasama mo sa bawat shooting mo," paliwanag ng head sa akin.



Wala akong magawa kundi pumayag na lang. Binaba ko ang tawag matapos ang usapan at bumuntonghininga na lang. Bakit kaya hindi sasama si Aki sa Cadiz Viejo? May mahalaga ba siyang gagawin sa kompaniya nila?



Nagsasabi sa akin ni Aki ng dahilan kung hindi siya makakasama sa akin kapag may shooting ako sa ibang lugar pero ngayon ay nagulat talaga ako dahil kay Mrs. Moraine Montenegro ko pa narinig iyon. Sinabi kaya ni Aquisha sa kaniya? I should confirm it!



I immediately dialed Aquisha's number and good thing that she answered the call after two rings.



"Good morning," she greeted in a morning voice.



Base sa kaniyang boses ay mukhang kagigising niya lang. It's already late! Napansin ko na talaga ito si Aki, ah! Bakit late ang gising nito gayong palaging maaga pa itong gumigising? Ni halos wala pa nga sigurong bukang-liwayway o kahit hindi pa nakakapagtilaok ang manok ay gising na ito, eh! Is she tired? Why did she overslept?



"Kagigising mo lang ba, Aquisha? It's already twelve in the afternoon," I told her the obvious. "This is new, huh? Late ka na pa lang gumigising ngayon?"



"I was exhausted the whole day that's why I overslept," she reasoned.



"And what would be the reason why you overslept, Aki? Are you working late hours in your company? Is that it? O may iba pang dahilan?" I said, doubting.



"You're awake, good morning." I heard a familiar voice of a man on the background on her line.



Umawang ang bibig ko, napatauptop na lang ako ng bibig para pigilan ang pagsinghap ko. I knew it! She's with Skynard! May duda na talaga ako sa dalawang ito. I just confirmed that she's really with this guy!



Memories Of The Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now