Chapter 49

162 6 0
                                    

On the next evening—when Jaxxon and I got home—Vixen suddenly called. Magkikita raw kami ngayon, hindi ko alam kung bakit o kung para saan ba pero pumayag na lang ako. He's a friend to me after all. Maybe, he misses me or he wants us to catch-up? Ang tagal ba naman kaming hindi nagkaroon ng komunikasyon pero ganoon pa rin naman, magkaibigan pa rin naman kami.



"You sure you want to go alone?" tanong ni Jaxx nang makita akong handa na paalis. "Gabi na.." dugtong niya sa nag-aalalang tono.



I smiled and drifted my eyes to him. He looked at me from head to foot. I am now wearing a spaghetti strap mini top and a square pants. Nasa hitsura ni Jaxx ngayon na parang ayaw niya yata akong paalisin. Is he jealous again? I have told him that Doc Vixen is just a friend to me.



"Don't worry, susunduin naman ako ni Vix sa may labas," I assured him. "Mag-uusap lang naman kami---"



"Is that personal? I can come with you, Zani, kung hindi naman talaga personal ang pag-uusapan ninyo. I don't want you to leave the house alone at this hour," he cut me off.



Umiling ako. "Jaxx, come on. Vixen is my friend, he can be trusted. Pangakong iuuwi niya ako rito nang walang labis at walang kulang."



"Bakit? Hindi ba puwedeng bukas na lang?"



Bumuntonghininga ako. Ayaw nga talaga ni Jaxx pero nakapag-oo na ako kay Vixen. Ayaw ko namang biguin iyon dahil kahit papaano ay kaibigan ko pa rin iyon. Sinabihan ko na siyang susunduin ako rito, umasa na iyong tao. Ayaw ko naman na paasahin talaga iyon.



"Jaxx, may trabaho ako bukas kaya ngayon napag-isipan ni Vixen makipag-usap sa akin. Relax, hindi niya rin hahayaan na may mangyaring masama sa akin. He's almost a brother to me, he protected me at all cost. At isa pa, nakapag-oo na ako sa kaniya, eh. Hindi ko na basta-basta bawiin iyong pagpayag ko."



"Sana nagpaalam ka muna sa amin bago ka um-oo sa kaniya," nagtatampong sabi ni Jaxx. "It's passed eight in the evening. Hindi ka pa sanay na lumabas kung gabi. Delikado ang mga gan'tong oras, Zani."



"Jaxxon..."



Nilapitan ko na siya at hinawakan ang magkabilang braso niya. Tumingkayad ako at akmang bibigyan siya ng halik sa kaniyang labi pero umiwas siya kaya sa kaniyang pisngi dumapo ang aking halik.



"Jaxxon, please?" I pleaded on him and lifted my hands to caress his face. "Pagbigyan na natin si Vixen, minsan na nga lang siya nakikipagkita, eh."



"Tapos gabi pa?" mapait niyang sabi. "Mabuti sana kung inaya ka niya kung maaga pa, Zani, pero gabi na. How can I let you leave the house?"



"Jaxx, naman.." apila ko. "Magpapasundo ako rito kay Vixen, papasukin ko siya rito sa bahay, para makita mo na siya nga ang susundo sa akin---"



"That's not my point," he cut me out calmly. "Ang ibig kong sabihin ay gabi na, Zani, delikado ang daan. Paano kung may gumawa ng masama sa inyo riyan?"



I chuckled. "Baby.. don't worry, pulis si Doc Vixen kaya he's aware and already prepared. I will promise.. nothing bad will happen."



Sa huli'y pumayag na lang si Jaxx dahil masyado akong mapilit. He actually let me in anything I want pero naintindihan ko siya ngayon kung mas pinili niyang igiit ang gusto niya subalit wala nga siyang magawa dahil masyado rin akong mapilit. In the end, siya na ang naghatid sa akin patungo sa sasakyan ni Vixen sa labas na nakaparada.



Pumasok si Vixen kasi sa bahay para ipaalam na nariyan na siya. He's in his complete uniform. Naka-pulis na uniporme siya, akala ko pa naman noong una ay magse-civilian siya pero hindi pala. Baka may duty pa siya pagkatapos kaya hindi ko na lang pinuna ang suot niya.



Memories Of The Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now