Chapter 53

183 5 0
                                    

Abala kaming lahat sa patapos na proyekto namin. Halos buong linggo naming binuhos ang atensyon doon hanggang sa wakas ay natapos din namin iyon.



It was a great feeling that I finally finished my project. At first, I got challenged with it but eventually, I got used to it. Mabuti na ngayon dahil natapos na rin sa wakas, bale ipapalabas na lamang nila iyon.



"You couldn't contact that witch?" galit na tanong ni Lola Aurelia kay Jaxx habang abala si Jaxx sa pagtitipa ng kung ano sa kaniyang cellphone. "Kapag ma-contact mo na 'yang ingratang iyan, pagsabihan mo kami, ha?"



Nalaman ni lola iyong pagbabanta ni Tita Steph sa kay Jaxxon na sisirain daw niyon ang relasyon namin kaya heto siya ngayon, galit na galit. Hindi na nakabalik pa rito si tita, iyon lang ang pagpunta niya rito noong nakaraan. Hindi na siya ulit nagparamdam at nagpakita pa. Still, I couldn't accept the fact that Jaxxon doesn't want to file a case against her. Wala rin akong magawa kundi tanggapin na lang din ang desisyon ni Jaxx at hayaan na lang kung ano man ang mangyaring kahinatnan ni Tita Steph sa ginawa niya sa mga pusa namin.



I don't actually know why she have to do it. She really hates Jaxxon so much to the point that she even dragged the cats in this kind of situation. Dinamay niya ang mga pusa at talagang brutal na pinatay ang mga iyon. She's that evil. Para siyang kaliwang kamay ni Satan. Wala akong galit kay Tita Stephaniah noon pa man pero ngayon ay nabuhayan ng galit ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. I cannot forgive her. Hindi ko siya magawang patawarin sa ginawa niya sa mga pusa namin! If she hates the cats, she shouldn't have to do it! Kung hindi lang dahil kay Jaxxon, baka ako na mismo ang nagsampa ng kaso laban sa kaniya.



"Ang kapal talaga ng pagmumukha ng babaeng iyan!" bulyaw ni lola.



"Lola, tama na po iyan. Huwag po kayong magpaka-stress dahil ayos lang naman po kami ni Jaxx. Wala naman pong makakapaghiwalay sa amin," I assured.



"Lola, I can handle my stepmother," Jaxxon said calmly. "Si Drake na lang po ang tatawagan ko. I will ask him about his mother."



Iyon nga ang ginawa ni Jaxxon. He excused himself when Drake answered his call kaya naiwan ako kasama sina lolo at lola. Si lolo ay tahimik lamang samantalang si lola ay mukhang hindi magawang maging kalmado.



"Lola, everything will be alright," I told her. "Huwag po kayong magpaka-stress, mas lalo po kayong tatanda niyan," biro ko pa.



Umiling si lola. "Napakawalang-hiya talaga ng babaeng iyon, hija! Hindi mo alam ang ginawa ng babaeng iyon kay Jaxxon! Hindi mo alam! Kapag siguro ikaw ang makakaalam kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon sa apo ko, talagang magagalit ka!"



"B-Bakit po?" I asked, couldn't take my eyes off her because curiosity filled me.



"Sinasaktan niya palagi ang apo ko!" ani lola. "Ang mga kaibigang doktor mismo ni Jayjay ang nagsabi niyan! At alam mo? Sa bodega pinapatulog ng babaeng iyon ang apo ko! Hindi talaga nakuntetong saktan ang apo ko, talagang pinatulog niya pa sa ganoon si Jayjay!"



I gritted my teeth slyly. At talagang pumayag si Jaxxon na ganoon? He did not tell me about this! Bodega? Mabuti na lang na hindi siya nagkakasakit dahil doon siya pinapatuloy ng walang-hiyang Tita Steph na iyon! Hindi ko alam na ganito pala siya kademonyo! She was never good as I thought! Hindi ko aakalain na baliktad pala siya katulad ng iniisip ko! She was so good to me!



"Punong-puno na ako sa babaeng iyon! Kapag hindi ko na talaga kakayanin itong galit ko, sabay kong papatayin iyang babaeng iyan kasama iyang Jared na 'yan! Tutal iyang Jared na 'yan ay hindi naman nagpakatatay sa sarili niyang anak!" Pulang-pula na si lola habang sinasabi niya ang mga iyon.



Memories Of The Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now