KABANATA 4

715 42 8
                                    


No one even helped me ng ayusin ko ang mga gamit ko dito sa magiging silid ko. Isang malaking aparador lang ang meron dito at isang hindi kalakihan na kama, meron din na maliit na cavinet sa gilid.

Mas malaki pa yung kwarto ko dati kesa dito. This is too small. Sakto lang sa isang tao, at sa mga gamit ko, wala ding cr kaya kinakailangan mo pang bumaba para gumamit.



Kanina ay sinubukan ko muna magpahinga pero tatlong oras lang din ako nakatulog. I also tried to open my facebook account pero hindi malakas ang signal.


May mga text message din si Mommy, pero mas pinili kong i-ignore ito at nilagay sa maliit na Cavinet ang Cellphone ko.


Napatingin ako sa pinto ng marinig kong may kumakatok dito.



"Pasok."

Bukas ang pinto at bumungad sa'kin ang isang babae na halos may katandaan na din ang istura niya.


"Dinala ko ito dito...sabi ni Mr Guererro ay hindi ka pa nakain."




Dumiretso ito sa maliit na cavinet at doon nilagay ang isang tray na may laman ng isang mangkok na champorado at dalawang pandesal.




"Kumain kana muna...mahaba ang naging byahe nyo." Sabi pa nito.




"Iwan mo na lang ako, ako na ang bahala dyan." Sabi ko habang hindi natingin sa kanya at nanatiling nakatingin sa mga inaayos kong gamit.




"Gusto mo ba tulungan na kita?" Offer nya pa sa'kin.




"No, kaya ko na 'to."





"Hindi mo ba alam gumamit ng po at opo?"



Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit saka tumingin sa kanya.



"Hindi.... Okay na? Makakaalis kana." Saka umirap pa sa kanya.


Dinig ko ang malalim nyang paghinga. Pero bago ito lumabas nang kwarto ay bumulong pa ito.


"Totoo nga ang sabi ni Tope at ng Lolo mo, hindi ako nagtataka kung bakit ka dinala dito."






Nang maayos ko ang mga gamit ko ay nagpahinga na muna ulit ako. Halos katulad lang din kanina halos 'di naman din ako makatulog.





Napatingin ako sa gilid ng aking higaan at nakita ang champorado don at 'yung pandesal. Ramdam ko ang pagkulo ng sikmura ko kaya kinuha ko iyon at sinimulang kumain.


Kahit malamig na ito ay sinimulan ko pa rin ito kainin. Pagkatapos kumain ay tinignan ko din ang oras, its already 2pm.




Nagsimula akong tumayo at lumabas ng kwarto. Tahimik lang dito sa taas, may dala din akong twalya at damit ayoko naman bumalik dito sa taas ng nakatapis lang ng twalya.



"Akala ko wala kanang balak lumabas sa kwarto mo."

Muli kong nakita kong nakita ang matandang kanina naghatid sa'kin ng pagkain.



"Ilagay mo na lang sa lababo ang pinagkainan mo at hugasan mo na din, tapos na si Mere maghugas kaya ikaw na maghugas nyan."


Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Kung makapag utos 'to akala mo kung sino.


"Who are you para utusan naman ako sa gagawin ko?"




"Nakalimutan mo na ata ang sinabi ng lolo mo noong madaling araw? Hindi ikaw ang amo dito." Pagpapaalala nya sa'kin sa sinabi ni Lolo.


Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Where stories live. Discover now