KABANATA 6

648 45 7
                                    





Araw ng linggo ngayon, kakatapos lang namin magsimba... I mean kakatapos lang nila magsimba. Dahil pinilit lang din naman ako nila Clara pumunta dito sa simbahan, bilin daw iyon ni Lolo sa kanila. Ngayon din ang araw ng uwi ni Lolo mula sa Batangas.




Hindi naman din ako nakinig masyado sa sermon nong pari kanina, dahil busy ako kakatipa kanina sa cellphone ko at kakatingin sa paligid. Pinagbawalan panga ako nong Manang Tania, pero 'di ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagcecellphone.


Siguro ayaw niya din kami magtalo sa loob ng simbahan kaya hinayaan niya na din ako kanina.



Dumaan din muna kami sa palengke bago umuwi, It's already 9am in the morning. Natapos na din naman sila maglinis at wala na akong masyadong ginagawa. Hindi din ako masyado na utusan ngayon dahil siguro ay masyadong busy 'yung Manang Tania, hindi niya siguro ako napapansin.





"Tope, where are you going?" I asked him nang makita ko sya na papalabas ngayon ng bahay habang nakasuot ito ng jersey shorts at t-shirt na black medyo hapit iyon sa katawan nya. Nakasuot din sya ng basketball shoes na nike ang tatak.




He looked at my direction habang nakataas ang dalawa niyang kilay. Seryoso lang siya as usual.




"I'm asking you, saan ang punta mo?" Muli kong tanong nong titigan niya lang ako.



"Wala." 'Yon lang ang sinabi niya bago tuluyang lumabas, sumunod naman ako dito at muntikan pang mapatid dahil sa pagsuot ko sa aking tsinelas.





"Anong wala, eh ba't ka nakaganyan...wala?"




"Wala kana don." Naglakad ito at sandaling napatigil. "Bat ka ba nasunod?" Halata mong iritado ang boses niya.



"Nasama sayo." Simpleng sagot ko sa kanya.





"Ano ka? Malalagot ako kay Mama at sa Lolo mo kapag napahamak ka o may mangyari sayo... Bumalik kana don." Tinaboy niya pa ako.





"Hindi ako mapapahamak, hindi naman ako tanga."




"Don kana." Tumigil ito sa paglalakad at masama akong tinignan.



"Ano ba? Sasama nga ako." Naiinis ko din nasagot sa kanya. Sakto naman na lumabas yung Manang Tania.



"Tope! Isama mo na." Nakatayo ito sa pinto. "Mag-iingat lang kayo, bantayan mo 'yan."





"Mama-" Aangal pa sana sya.


"Isama mo na wag kana umagal bilisan mo."




Napatingin ito sa'kin ng masama, pero umiwas din ito at pagalit na naglakad. Tahimik lang siya habang nauuna.




"Bakit mo nga pala tinawag na mama 'yon? Mama mo sya? Kaya pala pareho kayo ng ugali. Masama."



Napatingin siya sa'kin sandali at nag-igting ang panga.





"Manahimik ka." Mukang tuluyang napikon ito sa sinabi ko. Kaya natahimik ako at pakiramdam ko ay napahiya ako.





"Saan ba tayo pupunta?" Pagliligaw ko, para hindi halata na napahiya ako.


Hindi niya naman ako sinagot at mas naglakad ng mabilis.




"Sungit mo naman." Singhal ko sakanya ng pabulong.


Nakasunod lang ako sa kanya, hindi sya nagsasalita o umiimik hanggang sa makarating kami sa isang court. Halos ilang minuto din ata ang nilakad namin.




Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Where stories live. Discover now