KABANATA 8

560 36 4
                                    




"Nagtalo na naman si Mom and Dad." My older sister habang nasa kabilang linya ito. "Sinubukan ulit ni Mom kunbinsihin si Dad, napabalikin ka dito."



"Anong sabi ni Dad?" I asked, habang nilalaro ang ballpen na nasa kamay ko. Nan dito ako ngayon sa cafeteria.




"Simula ng mawala ka dito mas madalas na silang magtalo, he thinks na kapag naandyan ka ay magtitino kana. Nauwi sa pagtatalo sina Mom and Dad." Nagpakawala sya ng malalim na pagbuntong hininga. "Binasag din ni Dad 'yung Antique na base na sya mismo ang nagregalo kay Mom."





"Dad is literally out of his mind. Tingin niya talaga mababago nya kung ano ako?..... He's stupid."



I still remember kung kelan binigay ni Dad ang base na 'yon kay Mommy. I was too young that time, birthday 'yon ni Ate eight birthday nang ibigay niya 'yon, tapos sya lang pala mismo din ang sisira. Galing pa ang base na 'yon sa asawa ni Lolo na namayapa na. Nong nawala din ang asawa ni Lolo wala ako no'n, mas pinili ko na sumama sa mga kaibigan ko.






"Craig, your mouth. He's still your father."




"Hindi niya ako tinuring na anak."





"Iniisip niya lang kung ano ang mas makakabuti sayo, Craig."




"Then, bakit niya ako dinala dito?" Sarcastic na sagot sa kanya. Tinigil ko ang pagpapaikot ng ballpen sa mga daliri ko.







"Because he wanted na marealized mo ang mga mali mo."







"Yuh, lagi naman kasing mali ko ang nakikita nya, kaya pati 'yung mga ginagawa ko na gusto ko ika-proud niya...mali din para sa kanya." Mapakla akong tumawa.





"I know na ginagawa mo din ang best mo para maging proud din siya sayo."




Lahat naman ginawa ko para maging proud sya, but not the way na kailangan ko baguhin kung ano talaga ako. Hindi ko choice 'to, kung napipili lang ito pipiliin ko ang gusto niya para sa'kin. But it's not, kusa ko lang 'to nararamdaman.

Nagpaalam na ako dito at tinabi ang cellphone ko.


Halos isang buwan at kalahati na pala ako dito. Kahit papano ay nasasanay na ako, na hindi ito ang kinalakihan kong lugar. Hindi ito katulad ng Maynila.






Halos kalahating oras na ako nag aantay kay Tope, wala pa din sya. Ang sabi niya ay susunod sya dito after ng meeting niya with the head teacher at sa mga kasama nyang mga SSG. Hanggang sa magtime na ay wala pa din sya.






Kaya bumalik ako ng room. May pasurprise quiz pa ang teacher namin ng pang alauna si Ma'am Castadio. After long quize ay muling balik ng mga kaklase ko daldalan dahil saktong tapos din ng long quiz ang time niya.





"Renzo! can i borrow your notes? Pipicturan ko lang hindi ko kasi natapos 'yung Lecture kanina." Tawag ko sa isa kong kaklase. Pinsan ni Tope, nakilala kong pinsan ito ni Tope dahil dinala niya na ito sa bahay.


Tahimik itong pinsan ni Tope, hindi masalitang tao. Halos walang kaibigan din, actually, he has a good looking halos same sila ni Tope kung titignan, pero mas tahimik ito. Kahit sa klase, kapag tinawag sya ng teacher namin ay alam nya ang sagot kahit hindi sya nagtataas ng kamay. Matalino.




Inabot niya sa'kin ang Notebook niya at sinimulan ko kuhanan ng pictures ang mga Lectures namin kanina na 'di ko nakopya. Sa bahay ko na lang kokopyahin para sa reviewer ko.





Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Where stories live. Discover now