KABANATA 31

381 35 7
                                    



Mabilis akong umuwi ng mansion, gumapang ang matinding galit saakin habang nasa loob ng kotse. I texted Lolo's secretary if how's him. He immediately replied to my messages.

:He's fine now, Sir, he just need to rest well right now. Baka bukas lumabas na ang mga test na ginawa sa kanya kanina.

Napahinga ako ng malalim at tumingin ng diretso. Habang iniisip ang mga sinabi ni Rei kanina hindi pa din ako makapaniwala. Hindi ko alam kung bakit ginawa iyon ni Dad. Maaaring tungkol ito sa relasyon namin ni Tope, pero paano niyang nalaman? Wala akong maisip kung sino ang magsasabi nito sa kanya.


Hindi ko din maisip na maaari niyang pinaimbistigahan ako. Pero napakaimposible no'n.

Is this about the past? Naalala ko ang sinabi ni Tope dati, he doesn't want to repeat the history? What he does mean about that?

May nakaraan ba ang pamilya nila Tope at si Daddy? Pumasok din sa isipan ko ang Tito ni Tope na si Ryler. If this is about the past, tungkol ba ito sa nakaraan ni Daddy at kay Ryler? May nakaraan ba sila... Tungkol ba ito sa sinasabi ni Althea na relasyon nila Daddy at ni Ryler?


Hindi ko na napagpatuloy ang pag-iisip ko nang tuluyan kaming nakarating ni Mang Pilar sa mansion. Mabilis akong bumaba ng kotse ng makapasok iyon sa gate. Halos padabog kong sinarado ang pinto ng kotse.



"Where's, Dad?"

Nang makita si Clara na nagpupunas ng mga antique base, halos mapatalon pa ito sa gulat ng makita ako.

"Craig! Jusko! Nakakagulat ka nama'ng bata ka."

I didn't mind her reaction, at hinanap lang ang taong kailangan ko sa buong sala.

"Where's, Dad, Clara!" Halos bumakas na sa aking boses ang matinding galit.

"Bakit mo ba hinahanap ang-" I cut her off.


"Just fucking tell me, Clara, where is Dad?" I shouted.

Nanlaki ang mata niya at nakita ko pa ang mabilis na paglabas ni Manang Tania sa kitchen. Hindi ko iyon pinansin.


"N-Nasa hardin, bakit?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Clara at nilampasan pa si Manang Tania na nakakunot din ang nuo ng makita akong nagmamadaling lumabas ng mansion.

Agad akong nagtungo sa hardin at nakita ang taong hinahanap ko. He was sitting at the round, mukang malalim ang iniisip at mukang nagpapalamig.

Mas lalo akong nakaramdam ng matinding galit nang mapatingin siya sa aking direksyon. Hindi man lang siya nagulat at umayos pa ng pagkakaupo.

"What did you do to Tope's family, huh?" Nang nakalapit ako sa kanyang direksyon.

Tinignan ako nito at masusi akong tinignan. Natawa ito at bahagyang napailing.

"What did I do?" He mockingly said.

Mariin na nagtagis ang panga ko.

"I know you know what I'm talking about... Anong ginawa mo sa pamilya ni Tope? Bakit mo tinanggal ang scholar niya,"

Saktong pagdating nila Manang Tania ng itanong ko kay Dad iyon, sandali lang akong bumaling sa kanila at nakita ang gulat dito.


"Christ?" Nadinig kong boses ni Manang Tania, bakas don ang hindi makapaniwalang tono mula sa kanya.



"I just did what's really need to happen."

Nakita kong tumayo siya at pumamulsa.

"Anong kailangan mangyari? Walang ginagawang masama ng pamilya ni Tope saiyo."

Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant