KABANATA 14

487 38 3
                                    





Habang nakaupo sa loob ng classroom at nakataw sa mga taong nadaan sa kabas, dinig na dinig ko ang tawa ni Althea. Napabaling ako sa kanya ng hampasin nya na ako dahil sa kakatawa nya kay Renzo.



May hawak si Renzo na papel habang binabasa ang lover letter na binigay sa kanya. Pinaabot lang kasi iyon sa isa mga kaklase namin. Pero galing daw ang sulat na iyon sa taga humms na babae.




"Ang corny naman nyan, Renzo." Sabay hampas pa ni Althea sa balikat ni Renzo.



Parang wala naman naging pake si Renzo at parang sanay na sanay na din na nakakatanggap ng sulat kung kanino. Nilukot nya ang papel at tinapon.



"Hoy! Why did you do that?" Naiinis na biglang sabi ni Althea.





"Its just a trash." He said and sat again.




"Anong basura? Bobo ka talaga. Nag effort 'yung babaeng nagbigay sayo no'n tapos itatapon mo lang." Sabi niya pa.



"Pinagtatawanan mo nga kanina." Sagot ni Renzo at tuluyang dumukmo.



She sighed deeply. "Kayo talagang mga lalaki, wala talaga kayong pakielam kung mag efforts kaming mga babae. Pinaghirapan 'yon gawin ng taong nagkakagusto sayo. Tapos itatapon mo lang talaga, Renzo?. Don't you think kapag nalaman 'yan ng taong nagkakagusto sayo. She will give you again that kind of notes?"



Naiinis nyang sabi, tinitignan ko lang sila habang nakapahalumbaba at hinayaan lang sila.



"She'll hurt, if she'll know na tinapon mo lang ang pinaghirapan nya. She doesn't deserve that. Atleas sana tinabi mo na lang. Palibhasa 'di niyo nararamdaman ang pakiramdam namin bilang babae. Kaya it seems like parang wala lang sainyo."




Madramj niyang sinabi. Napangiti naman ako sa kanya, nakatingin din sa kanya si Renzo. Iniisip siguro ni Renzo na napaka OA ni Althea.






"Alam mo, sumama kana lang mamaya sa pag-ani ng palay." Sabi ni Renzo, sa kanya.




"Para saan pa? Mangingitim pa ako."



"Hindi ka naman iitim don, hapon naman iyon after ng klase....isa pa negra ka naman talaga 'di kana iitim." Pang aasar pa ni Renzo.





"Hindi ako negra, duh? This is called morena beauty." She said, na parang pinapaempress pa ang kanyang muka kay Renzo.





This two, no wonder kung sila din ang magkatuluyan sa huli.





"Ikaw, Craig?!" Baling sa'kin ni Renzo. "You will not come? Nan doon din mamaya ang lolo mo at si Tope."



Narinig ko na 'yan ng umaga. Si Lolo din kasi ang may hawak sa halos kalahating magsasaka dito sa lugar na ito.



"Sasama ako."




"Oo pala ako, sama tayong dalawa, Craig." Natutuwang pagbabago ng isip ni Althea.




"Wala ka naman gagawin don, 'wag na arte-arte mo pa." .





Hinampas naman ni Althea ang balikat ni Renzo, na nagpatawa kay Renzo. Hinayaan ko na muli silang magkasatan at muling binaling ang labas.



Nakita ko din si Tope na nasa labas ng room nila ngayon at may kausap na teacher. Pinagmasdan ko lang sila at nang mawala sila sa paningin ko dahil pumasok din agad si Tope sa room nila.




Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Where stories live. Discover now