KABANATA 18

486 40 0
                                    

"What do you mean?" I said while looking at him. Umiling si Tope, sa'kin.

"Ayokong manggaling sa'kin ang mga 'yon, you should ask your, Lolo... or try to ask your, Dad."

Lito akong nakatitig sa kanya. Siguro napansin niya iyon kaya ngumiti sya sa'kin. Muli kong naalala ang salita na sinabi nya kanina. He doesn't want to fall for me.


"Kumain kana ng hapunan?" He asked.


"N-No, I was about, pero busy si Ate, wala akong kasabay wala din kasi si Lolo, nasa meeting."



"Mamaya pa ata ang uwi ng Lolo mo dito, napunta sa kabilang bayan ang meeting nya ngayon. He's with the Governor here."


Hindi ko alam kung nasaan at kung anong meeting ang pinunta ni Lolo, ang sabi niya lang aalis sya at may kailangan ayusin na meeting.

"Pwede akong sumama sayo, pwede ka magpaserve ng pagkain sa'kin, since I'm also a waiter here." Sabi niya pa.

"Ano ano ang trabaho mo dito?"

"Bellboy, server, waiter at marami pa."

Medyo nagulat ako sa dami ng trabaho nya dito.

"Kailan ka pa nagsimulang magtrabaho dito?" I asked him again.


"Simula ng magtrabaho ako kay Lolo mo, nagpupunta sya dito tuwing bakasyon at dito sya nagpapahinga. Sya din ang dahilan kaya nan dito si Tito Ryler, my Tito... Kapatid ni, Mama."


Napatango ako sa sagot nya. "So meaning matagal kana din nagwowork dito talaga. Kabisado mo din ang resort?"


Tumango agad siya habang pinagmamasdan na ngayon ang magandang paligid at ang alon ng dagat. The sea is calm, ang alon ng dagat ay mistulang tugtog sa aking tenga.


"Naalala ko lang 'yung araw na nasainyo ako... Your kuya talk about your, Tito Ryler, anong meron sa kanila ni Daddy?" Tanong ko kagad sa kanya.



Bumuntong hininga sya saka naglakad, sumunod kagad ako sa kanya at hindi man lang sinagot ang tanong ko sa kanya. Pumunta kami sa madalas namin kainan ni Lolo. Umupo ako sa round table inabot niya sa'kin ang menu at inantay ako makapili doon.


"What do you want to eat?" He asked me.





"I want barbecue ribs, shrimp, Garlic chicken pasta and for dessert I want black forest Gateau." Habang tinuturo ang mga gusto ko, nakakunot ang nuo nya. Siguro nagtataka ito kung bakit ang dami kong gusto kainin.




"How about drinks?"




"Strawberry juice, please." Sagot ko habang nakangiti, tumango naman sya at sandaling umalis.




Pinagmasdan ko ang paligid, the view here it makes me comfortable and relax. Dinig mo din ang malakas at marahan na alon ng dagat. Sandali akong tumayo para damahin ang marahan na hangin na dumadampi sa aking balat ngayon. Bahagya akong nilamig kaya niyakap ko ang aking sarili.





Agad din naman na dumating si Tope dala ang mga pagkain. Muli akong bumalik sa pagkakaupo.



"Lets eat." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Napakunot ang nuo nya.




"Busog pa ako, babantayan kita. After mo kumain saka kakain sa baba mamaya." Sabi niya pa. Napasimangot ako dahil sa pagtanggi nya.



"Sabayan mo na ako, I can't eat these all."



Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Där berättelser lever. Upptäck nu