KABANATA 7

619 36 4
                                    




Araw nang lunes ngayon, pero tila gusto ko pang matulog ngayon. Sobra akong napuyat. My body is hurt now. Hindi ako tumayo at hinayaan muna ang aking mata na nakapikit.


Muli lang akong napamulat when someone started knocking on my door. Sinubukan kong itabon ang unan sa aking tenga.



"Craig, bumangon kana dyan. Magagalit ang Lolo mo nito." Si Clara habang nasigaw sa labas ng kwarto.



"I'll follow, just fucking stop knocking on my door." I shouted back, nang wala itong tigil sa pagsigaw. Nagsimula ding may magpu-pukpok sa labas ng bintana.



"Bumangon kana dyan, nagagalit na si Manang Tania sa baba. Ako na naman napapagalitan din, eh."





"Oo na ito na."




Tumayo ako at naupo ng ilang segundo sa gilid ng aking higaan. Lunes ngayon, at ngayon din ang simula ng first day ko sa bago kong school. Sinuot ko din ang tsinelas ko bago ako tuluyang lumabas.





Pagkababa ko ay naabutan ko ang Manang Tania, the breakfast is already prepared ako na lang ang inaantay. Lumapit na ako don at nagsimulang umupo.




"Kanina ka pa pinapabangon, anong oras na malelate din ng dahil sayo si Tope eh,"




Napatingin ako kay Manang Tania at sa tinutukoy nitong nakaupo sa sofa, napaubo ako ng bahagya ng maalala ang nangyari kagabi.



He was really drunk, he keep saying Rei's name, while he was kissing me. I started hugging his neck while kissing him agressively, but the one thing I notice, halos hindi siya makasabay sa halik ko sa kanya.




Hanggang sya na mismo ang bumitaw. Pareho kaming naghahabol ng hininga sa halikan na 'yon, akala ko pa kung ano pa ang gagawin nito ng itukod nya ang ulo nya sa aking balikat hanggang sa maramdaman ko na ang buo nyang bigat sa akin.




Nawalan na siya ng malay at nakatulog sa aking balikat. I think because of he was too drunk. Dinala ko na lang sya sa sofa kagabi at hinayaan na din sya don, nagdala din ako ng kumot at ikinumot sa kanya.




"Bilisan mo na kumain at malelate na kayong dalawa."




Nakatingin lang ako kay Tope, he also looked at my direction pero sandali lang iyon at halos walang ilang segundo. He act so normal as if nothing happened last night.



Nang makapag-ayos na ako ay dumiretso na ako sa labas. Anong oras na din ng makalabas kami sa bahay. Mukang inip na inip nang nag aantay si Tope, salubong na ang kilay nya ng makita ko sya.





"Mag-iingat kayo," paalam ni Clara. Sumagot naman si Tope dito, pero ako ay tuloy-tuloy lang na lumabas.







Sumakay kami ng tricycle na si mismong si Tope pa ang nagpara, umupo sya sa likod ng driver sa labas, habang ako naman ay sa loob. Halos ilang minuto din kami bumyahe bago makarating sa school.



"Ito 'yung schedule mo. Ihahatid na lang kita sa magiging room mo."



'yon lang ang sabi ni Tope. Naglakad sya lanpas sa akin.


"Tope! Seems like wala kabang naalala kagabi?"




Napatingin sya sa direksyon ko muli habang nakakunot ang nuo, nagtataka ang itsura niya. Huwag mong sabihin na wala syang naalala talaga kagabi? Sandali pa akong tumitig sa kanya at ako mismo ang umiwas ng tingin.




Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Where stories live. Discover now