KABANATA 50

934 58 13
                                    

Thank you for keeping supporting this story. I know you don't know all how much I'm thankful but still I'm saying it. Maraming salamat inyo! I hope you all are still here  lalo na sa epologue (wakas).














Nakatayo ako sa harap ng mansyon nila Attorney Remy kasama ang asawa nito. Araw ng pagpapablessing nila dito. Matapos ang isang taon at isang buwan na paggawa sa mansion nila. Sa wakas ay natapos din.





Halos hindi ko man lang napansin na ang bilis na pala ng panahon dahil sa pagfocus sa project ko dito sa batangas. Kanina bago ako pumunta dito ay nakatanggap pa ako ng tawag mula sa kaso ni James. Patungkol sa kinakaharap niya ngayon.



Hanggang ngayon hindi pa din natutunton ang pinagtataguan niya. Napabuga na lang ako ng marahan na hangin.




Natapos na lang ang pagbasbas ng pare mula sa mansyon. Kasama ang pamilya ni Attorney at iba nitong mga anak. Yakap ng asawa ni Attorney ang larawan ng kanyang anak na pumanaw. Natila nakikilahok dito sa pabasbas mula sa kanilang panibagong tahanan.




"I choose this new life because I want to build new memory. Hindi dahil sa gusto kong kalimutan ang mga alaala sa lumang mansyon... Mananatili sa aalaala ko ang anak natin. Ang masasayang araw natin kasama siya." Marahan na sabi ng asawa ni Attorney.




Mabagal na inalo ni Attorney ang asawa niya. At saka pinagmasdan ang kabuan ng mansyon. Matagal bago nawala ang ibang mga tao at pumasok sa loob ng mansyon.





"Patuloy pa din pinaghahanap si James." Napatingin ako kay Attorney ng lumapit uto sa'kin. "I know wala siyang kasalanan. Tutulong ako sa paghahanap. Kaibigan ko ang mga magulang niya. Imposibleng gagawin iyon ng bata na iyon,"


"I know my friend, Attorney. He will never do that. Kasama ko siya sa paglaki. Pinaghahanap na din ng private investigator ni Engineer Terrence ang kaibigan ko at ang pinsan nito."


"Maybe he was really scared about his situation right now. Hindi biro ang kalaban niya." Napabuntong ng hininga si Attorney. "But I'll try my best to protect his name. We are having still investigation regarding sa kaso niya. Makakahanap din tayo ng butas para mapatunayan na inusente ang bata na iyon,"




"Thank you, Attorney."


Ngumiti ito sa'kin, bago tinapik ang balikat ko at magpaalam para samahan ang asawa na kausapin ang iba pang mga kasama dito sa mansyon.

Agad akong napatingin sa cellphone ko ng makitang may tumatawag doon.

"Hello!" Bungad ni Tope. Tatlong oras palang kaming hindi nagkikita at nagkakahiwalay mula sa pagpunta ko dito sa batangas. He had meeting with his brother and other clients. Kaya mag isa ako ngayon na nagpunta dito sa batangas.



Balak niya pa sana i-cancel ang meetings niya with his clients. Pero sinaway ko ito. Noong nakaraang buwan pa nag aantay ang mga client niya na ito. Panay ang pa-reschedule ng meetings. Kaya mas minabuti ko na sinabay ko na lang dito sa pagpunta sa batangas ang meeting niya. Hindi ako nagpaalam sa kanya.


Dumiretso lang kagad ako dito bago kanina nagtext noong nakarating na ako.

"Where are you now? I'll go there."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stripping with his Seduction (BoyxBoy)Where stories live. Discover now